Ito ang nakaka-kilig na mensahe ni Kathryn Bernardo kay Daniel Padilla sa kanilang 7th anniversary



Ang pagdiwang ng anibersaryo ng pagmamahalan ay mahalaga sa dalawang taong nag-iibigan. Ito ang importanteng araw kung saan ay ginugunita ang umpisa at tagal ng pagmamahalan. Kaya marami sa mga nag-iibigan ay binibigyang importansya ang okasyong ito.


May mga pagkakataon din na ibinabahagi natin ang taglay na pagmamahal na nararamdaman sa kapareha sa pamamagitan ng pag-post sa social media. Sa paraang ito ay naibabahagi at naipagmamalaki natin kung gaano tayo kapalad sa pagkakaroon ng minamahal. Totoong mahirap makahanap ng kanilang ‘forever’ kaya kung may pagkakataon ay dapat lamang na pangalagaan at ingatan.




Katulad na lamang ng mensahe ni Kathryn Bernardo sa kanyang kasintahan na si Daniel Padilla. Ang mensaheng ito ay ibinahagi ng sikat na aktres sa kanyang Instagram Account noong ika-26 ng Mayo taong 2019.


Sinimulan niya ang kanyang mensahe sa maraming bagay na ipinagpapasalamat niya. Ikinumpara niya ang kanyang kasintahan sa mga karakter na ginampanan niya sa mga pelikula. Mga karakter na sina Patrick, Gino, Joaquin, Dos, at Primo. Sa bawat ugali at magagandang mga katangian ng mga karakter na ito inahalintulad ni Kathryn ang kanyang pinaka-mamahal na kasintahan.



Nagbahagi din siya ng mga ikinatutuwa niyang mga ginagawa sa kanya ni Daniel. Katulad ng paghilot ng kanyang mga paa kapag siya ay nagsuot ng ‘heels’, pagtali ng sintas ng kanyang sapatos, pag-gupit ng kuko niya, paghalik sa kanyang noo. Nagagalit din daw si Daniel kapag nakakaligtaan niyang magtxt ng ‘goodnight’. Ikinatutuwa rin niya ang biglaang pagbulong ng ‘i love you’ sa kanya.


Sinabi din ni Kathryn na mahal niya rin ang mga bagay na kinaayawan niya kay Daniel dahil ito ang magpapatunay na totoong tao si Daniel.  “because what we have is real, and because these ordinary things make our relationship extraodinary” saad pa ni Kathryn sa kanyang mensahe.  Tinapos niya ang kanyang mensahe sa pagbati ng kanilang anibersaryo. Sinabi pa niya na ang mapa-mahal kay Daniel ay ang pinaka-magandang desisyon na nagawa niya.





error: Content is protected !!