Nilakad ng isang lalaki ang 40km na layo para maibili ng bagong damit ang asawa



Hanggang saan ang kaya mong ibigay para sa taong mahal mo? Kaya mo bang mag-sakripisyo para lamang mabigyan ng kaligayahan ang taong mahal mo? Maraming paraan upang ipadama ang pagmamahal. Pero karaniwan sa iniisip ng tao ay mga materyal na bagay. Gaano man kaliit o kalaki, mahal man o mura ang importante ay taos sa puso ang pagbibigay nito.


Katulad na lamang ng isang 60 taong gulang na lalaki na si Zhao Fangzi. Mula sa Shanghai, China ay nilakad niya ang 40km na layo pauwi sa kanilang bahay sa Henan. Ginawa niya ito para maibili niya ng bagong damit ang kanyang asawa. Imbis na gumastos ng pamasahe, minabuti niya na lang lakarin para may pasalubong siya sa kanyang pinaka-mamahal na asawa. Ang mas nakaka-bilib pa sa ginawa niya, sa dami ng mga bitbit niya, at sa sobrang lamig ng panahon dahil sa snow, mababakas sa mukha niya na maligaya siyang naglalakad pauwi.




Ilan sa mga bitbit niya pauwi ay mga damit, electric fan, sleeping bag, at ilan pang mga bagay na nabili niya ng siya ay nagtatrabaho sa Shanghai. Kahit na mabigat ang mga dala niya, siya ay masaya at naka-ngiti habang naglalakad ng malayo. Masaya din siyang uuwi dahil siya ay retired na sa kanyang trabaho.

Siya ay nakausap ng ilang tao at sinabi niya na mahirap talagang kumita ng pera. Sa katunayan ay may kulang pa ang kanyang boss na bayad sa halagang 10,000 yuan na bayad dapat sa kanyang limang buwan na pagtatrabaho. Gayon pa man, siya ay naniniwalang babayaran siya ng kanyang boss. Sa kanyang katipiran, kaysa sa gumastos siya ng pamasahe na halagang 200 yuan, minabuti niyang ibili ang kanyang asawa ng bagong damit.



Tunay na magpapakita ito ng pagmamahal sa kanyang asawa. May mga ilang tao na mayaman na kayang mabili ang lahat. Pero para sa lalaking ito, kaya niyang magsakripisyo para mapakita ang kanyang wagas na pagmamahal para sa kanyang asawa.




error: Content is protected !!