Isang lalaki na isa lang ang kamay, labis na hinahangaan ng marami dahil sa kaniyang angking talento sa pagguhit gamit ang ballpen!



Tunay ngang bawat tao ay may kani-kaniyang talento na tinataglay na kayang-kaya nilang linangin kung kanilang gugustuhin. Ang mga talentong ito ang biyaya ng Panginoong Diyos sa maraming mga tao sa iba’t-ibang panig ng mundo kung kaya naman hindi na nakapagtataka ang maraming mga talentadong tao na nakikilala ngayon dahil na rin sa tulong ng social media.



Isa na rito ang ibinahaging post ng netizen na si Miecah Patiño na nagpapakita ng mga magaganda at kamangha-manghang ballpoint pen artwork ng isang lalaki na nagtitinda rin ng mga nasabing obra maestra sa isang underpass malapit sa Manila City Hall. Narito ang naging pahayag ng nasabing netizen kasama ng mga larawan kaniyang nakuhanan:


“Hi, guys! I didn’t catch kuya’s name pero I hope na matulungan natin siya. Gumagawa po siya ng drawings by ballpen and p’wede din po magpa-drawing kayo sa kanya ng portraits n’yo. It’s up to you kung magkano ipepresyo n’yo. Hindi po siya nagpepresyo. And if may extra kayong pang-painting like poster paints, notebooks, or brushes, p’wede din n’yo pong i-donate sa kanya. Thank you, guys! Take time to visit kuya anytime nanroon daw po siya lagi.”


Sa kasalukuyan ay mayroon nang mahigit 17,000 retweets at higit sa 18,000 favorites ang post tungkol sa alagad ng sining na ito. Narito naman ang mga naging komento ng mga netizen:
“Saludo kami sa ‘yo,” pahayag ni J. Romero.
“Sumikat sana si sir,” ito naman ang sambit ni S. Chan.
“We need to help him po kasi with a talent like that, he can improve much better and he could be a very talented artist! Pray for him,” ito naman ang komento ni @malungkyott.


Maraming mga netizens ang namangha sa determinasyon at sa talentong ito ng lalaki na bagamat hindi nakuha ang kaniyang pangalan ay nagsilbing inspirasyon sa marami pang mga tao na sa kabila ng hirap at pagsubok sa buhay ay mayroon pa rin tayong dahilan upang lumaban at magpursige sa buhay.






error: Content is protected !!