Grab driver at pasahero niyang ito nagkagulatan dahil sa napakalaking pagkakapareha ng kanilang mukha!



Nabalitaan o nadinig nyo na ba ang ilan sa mga nakakapagtakang bagay na pinapatotohanan ng maraming mga tao sa buong mundo? Gaya na lamang ng usap-usapan tungkol sa kung tawagin ng marami ay “doppelganger” natin. Maraming nagsasabi na mayroon tayong pitong kamukha sa buong mundo samantalang ang ilang ulat naman ay nagsasabing tatlong mga tao ang maaari nating maging kamukha sa iba’t-ibang panig ng mundo. Bagamat maliit lamang ang tyansang magkita-kita ang mga magkakamukhang tao sa iisang lugar ay mayroon pa rin talagang mga nagpapatotoo sa mga ganitong pangyayari.


Marahil ay isa sa mga ito ang kwento ng Grab driver na ito at ng kaniyang pasahero na naging usap-usapan sa social media kamakailan lamang. Sumakay ang lalaki sa isang Grab driver at laking gulat na lamang niya ng mapansin ang malaking pagkakahawig ng kanilang hitsura. Agad naman niya itong kinuhanan ng video at ibinahagi sa social media. Talaga namang aakalain mong kambal ang dalawang lalaki na ito dahil sa pagkakapareha ng kanilang mukha, buhok, mata, bigote at maging ang kanilang pagngiti at pagtawa.




Bagamat naging kamangha-manghang pangyayari ito para sa maraming mga netizen, marami din naman ang nagtataka at nagtatanong kung tunay ngang hindi sila magkakilala o maaari din naman na nagpapanggap lamang sila na hindi kilala ang isa’t-isa. Ang ilang mga netizen naman ay nagsasabing dapat nilang tanungin ang kani-kanilang mga magulang kung mayroon ba silang nawawalang kakambal o kapatid. Sa ngayon ay mayroon nang 18,000 na retweets at 16,000 na likes ang nasabing video.


Sa katunayan, mayroon din namang mga kilalang artista sa industriya ng show business dito sa ating bansa ang mapagkakamalan mong magkapatid o magkakakambal. Ilan sa kanila ay ang mga aktres na sina Angel Locsin at Glaiza de Castro, bagamat nasa magkaibang estasyon sila ng telebisyon ay talaga namang isa sila sa pinakamahuhusay na aktres ng kanilang henerasyon. Hindi lamang magkamukha ang kanilang histura, kundi pareho din silang magagaling na mga aktres. Sina Kathryn Bernardo at Nadine Lustre ay talaga namang mapagkakamalaman mo ring magkapatid sa unang tingin. Hindi lamang ganda ang kanilang pagkakapareho kundi ang kanila ring talento sa pag-arte.





error: Content is protected !!