Matandang pulubi pinagmumura at pinandirihan dahil sa pagsakay nito sa isang dyip!



Sa panahon natin ngayon, gaano tayo kasigurado sa ating mga sarili na mabuti tayong tao? Marahil marami sa atin ang naniniwala na lahat ng tao ay mayroong taglay na kabutihan sa ating mga puso. Ito ay dahil na rin sa mga salita sa banal na aklat na lahat ng tao ay nilalang ng Diyos na kawangis Niya. Kung kaya naman likas na talaga tayong mabubuti noon pa man. Sa kasamaang-palad ay mayroong mga tao na tila nakakaligtaan ang isa sa pinakamahalagang bagay na dapat taglayin ng isang tao, ang pakikipagkapwa-tao.



Kamakailan lamang ay naging maugong na usap-usapan sa social media ang post ng isang netizen patungkol sa isang matandang pulubi na lalaki na sumakay sa isang dyip. Ang nasabing netizen ay nakilala bilang si Jake Fernandez. Makikita sa kaniyang ibinahaging post ang larawan ng isang matandang lalaki na sa unang sulyap ay iisipin mo talaga na isa siyang palaboy sa kalsada o pulubi. Dahil sa kaniyang tila sira-sira, luma at maduming damit gayundin sa kaniyang mga dala-dalang kalakal sa pagsakay niya ng dyip. Maaaring medyo hindi na rin kaaya-aya ang kaniyang amoy dahil sa isang araw o marahil ay higit pang pamamalagi sa kalsada. Ngunit ang mas nakakalungkot dito ay hindi ang sitwasyon o kalagayan ng pobreng matanda kung hindi ang naging pagtrato sa kaniya ng mga pasahero at driver ng sinakyang dyip.
Ayon sa pahayag ni Fernandez, matinding pagmumura ang inabot ng matanda sa mga tao sa nasabing dyip, diumano at mayroon pa ngang apat na lalaking lasing na tila aambaan siya ng suntok. Dahil sa nangyari ay walang tigil na humingi ng tawad ang matandang lalaki sa bawat pasaherong bumababa ng dyip. Nang magkaroon na ng espasyo para siya ay makaupo ay naupo na ang matanda at naghanda ng pangbayad para sa kaniyang pamasahe, ngunit kahit isa ay walang nais mag-abot ng bayad niya at tila ba diring-diri sa hitsura ng matanda.

Maging ang driver ng dyip ay pinagmumura at pinapababa ang matandang lalaki ngunit naisip ni Fernandez na ibayad na lamang ng pamasahe ang kawawang matanda upang hayaan na ito ng driver. Bibigyan pa sana niya ito ng pera na pandagdag sa pera na mayroon siya ngunit tumanggi ito. Nagpumilit si Fernandez at tinanggap na din ng matanda ang iniaabot niyang maliit na tulong. Kalaunan ay pumara at bumaba na siya ng dyip at muling nagpasalamat ang matandang lalaki at humingi ng paumanhin sa kaniya.


Source: Jake Fernandez




error: Content is protected !!