Isang guro umani ng maraming komento at reaksyon dahil sa pagreresign nito makalipas ang isang taon ng pagtuturo!



Isang guro ngayon ang usap-usapan sa social media dahil sa naging karanasan nito bilang isang guro. Siya ay nakilala bilang si Larra Elyssa Rivera Dizon na hindi na tumuloy sa kaniyang pagtuturo sa pampublikong paaralan. Ayon sa kaniyang post, Abril 14, 2016 nang nagdesisyon siyang hindi na ituloy pa ang kaniyang pagtuturo sa pampublikong paaralan dahil sa nais niyang maranasan din ang buhay sa labas ng pagtuturo. Ika-25 ng Setyembre 2016 naman ang araw ng kanilang pagsusulit. Nobyemre 28, 2016 naman ang paglabas ng resulta ng kanilang pagsusulit. Sa 77,466 na mga sumubok ay 23,378 lamang ang nakapasa halos 30.18% lamang. At siya nga ay pinalad na mapabilang sa porsiyentong ito. Taong 2017 nang nagdesisyon siya na hindi na ituloy ang kaniyang aplikasyon sa pampublikong paaralan.



Enero 2018 nang sinabihan siya ng kaniyang ina na muling mag-apply sa publikong paaralan upang makapagturo. Batid niya na hindi ito magiging madali at talaga namang pinagsumikapan niya pa rin na makapasa. Iniwanan niya ang kaniyang trabaho sa BPO company at siya nga ay nagdesisyong magturo. Marso 2018 nang siya ay pumasok muli sa paaralan upang magkaroon pa siya ng karagdagang kaalaman patungkol sa pagtuturo. Enero 2018 nang siya ay naatasan nang maging guro sa unang baitang.

Sadyang inakala niya na madali ang propesyon na ito kung ibibigay niya ang kaniyang buong puso at pagtitiyaga ngunit talaga namang sinubok ang kaniyang pagiging isang guro dahil sa mayroon din talagang mga bata na kahit anong turo mo ay mahihirapan ka din naman talagang maitatak sa kanilang isipan ang kanilang mga aralin. Dagdag pa niya ay mahal niya ang pagtuturo ngunit talagang hindi siya masaya.


Hindi niya nais na maging hindi magandang halimbawa sa mga nagnanais at nangangarap na maging guro ngunit nais lamang niyang maging inspirasyon sa marami na mahalin at unahin rin ang kanilang sarili lalo na kung hindi na sila masaya sa kanilang ginagawa. Ang nasabing post ay umani na ng maraming mga komento at papuri mula sa maraming mga netizens. Maging ang kaniyang malalapit na mga kaibigan at mahal sa buhay ay todo suporta at pagmamahal rin sa kaniya.





error: Content is protected !!