Niligtas ng isang Pitbull ang batang naiwan sa bahay na malapit ng masunog



Itinuturing na ‘Man’s Bestfriend’ ang mga aso dahil sa pagiging malapit nito sa tao. Marami ang nahihilig at natutuwa sa mga aso at ang iba pa nga ay itinuturing ng miyembro ng pamilya ang mga alagang aso.


Bagamat ang ilan ay nahihilig sa aso, ang ilan naman ay natatakot dito. Karaniwan sa mga kinakatakutan na aso ay ang mga asong nakawala at pagala-gala lamang. Natatakot ang marami sa kagat ng aso dahil sa rabis na dala nito. Isa pa sa mga kinakatakutang aso ay ang ‘Pitbull’ na talaga namang kapag nakagat ka nito ay baka matangal ang balat.




May isang kwento ng kabayanihan ang magpapakita ng taglay na kabaitan ng ‘Pitbull’. Sabi nila, kaya mayroong mga Pitbull na nakakatakot dahil nagkaroon sila ng malulupit na amo.

Isang walong buwan na pitbull ang isang ihemplo ng kabaitan. Ang pangalan ng asong ito ay si Sasha. Si Nana Chaichanhda na taga-Stockton, California ang nagmamay-ari kay Sasha. Binili niya si Sasha noong siya ay nagkaanak ng isang babae na ang pangalan ay Masailah. Noong una ay nag-aalinlangan siya sa pagkakaroon ng pitbull dahil sa mga ilang kwentong hindi magaganda. Pero lahat ito ay nawala at napamahal kay Sasha.



Katulad ng ibang may alagang aso, itinuring na ni Nana na parte ng pamilya si Sasha. Bukod pa rito ay napapansin niya ang nabubuong samahan ng kanyang anak na si Masailah at ang pitbull na si Sasha. Sa katunayan pa nga ay sabay pang naliligo ang dalawa.


Madalas na natutulog si Sasha sa loob ng bahay kasama sila. Pero may mga pagkakataong nais ng aso na matulog sa labas kapag hindi malamig. Isang gabi na natulog si Sasha sa labas ay may nangyaring kaganapan. Tahol ng tahol si Sasha sa labas upang tawag ang among si Nana upang bigyan ng babala dahil nasusunog ang katabing apartment.



Noong nagising si Nana, agad niyang pinuntahan kung bakit tumatahol ang aso niya at nagulat sa nakitang nasusunog ang apartment na katabi ng kanila.

Pero mabilis ang naging pangyayari at malapit na ring umabot sa kanila ang sunog. Dali-dali namang tumakbo ang pitbull sa loob ng bahay. Sa kagustuhang iligtas ang anak ay napatakbo na din si Nana sa loob ng bahay. Laking gulat na lamang ni Nana na bitbit na ni Sasha ang anak niya sa pamamagitan ng pagkagat sa diapper. Sa pagkita ay kinuha na ni Nana ang anak at agad lumabas ng bahay kasunod ang aso.




Dalawang apartment ang nasunog at sa kabutihang palad ay walang napahamak sa nangyaring insidente. Ito ay pasasalamat ni Nana sa kanyang alagang pitbull na si Sasha.