Panganay na anak ni Dimples Romana na si Callie nais maging isang beauty queen at piloto balang araw!



Masayang ibinahagi ng “Kadenang Ginto Star” na si Dimples Romana ang pagnanais ng kaniyang panganay na anak na si Callie na maging isang ganap na beauty queen at piloto balang araw. Ang 35 taong gulang na Kapamilya actress ay mayroong dalawang mga anak, sina Callie at Alonzo sa kaniyang mister na si Boyet Ahmee. Si Callie ang kaniyang panganay na anak na ngayon ay dalaga na habang si Alonzo naman ay 4 na taong gulang pa lamang.



Ayon sa ulat ng popular na “entertainment website” na PUSH, naikwento ni Dimples na ang kaniyang mister na isang negosyante at inhinyero ay nakakaranas ngayon ng ilang mga problema dahil sa ang kanilang 15 taong gulang na anak ay nagkakaroon na ng mga manliligaw. Dagdag pa ng aktres ay walang problema sa kaniya ang mga manliligaw ng kaniyang mga anak ngunit iba naman pagdating sa kaniyang mister na talaga namang pinoprotektahang mabuti ang kaniyang anak na dalaga.


Ayon pa kay Dimples, walang balak pumasok sa show business ang kaniyang anak dahil sa nais talaga nitong maging isang beauty queen balang araw. At dahil dito ay kinausap na niya si Jonas Gaffud patungkol sa nais na tahaking landas ng kaniyang anak na si Callie. Suportado din ni Dimples ang kahit anong karera na nanaisin ng kaniyang mga anak lalo na kung ito talaga ang makapagpapasaya sa kanila.


Batid ng aktres na seryoso talaga ang kaniyang anak sa kaniyang pangarap na maging isang beauty queen kung kaya naman ngayon pa lang ay nagpaplano na ito ng ilang mga “outreach programs” at mga adbokasiya tulad na lamang ng iba pang mga beauty queen. Maging sap ag-aaral ng anak ay suportado din ni Dimples si Callie. Sa ngayon ay “STEM” ang napili ng kaniyang anak, matapos nito ay “Biochem, at “Aviation”. Hilig nito ang chemistry ngunit gusto din niyang maging isang piloto.





error: Content is protected !!