Isang Security Guard ang nagtabi at nagsoli ng wallet na naiwan sa taas ng ATM



Ang bawat pera ay pinaghihirapan. Hirap at pagod ang gingugol ng ilan upang kumita ng pera. Kaya isang nakakalungkot na pangyayari kung sakaling mawalan o maka-iwan tayo ng pera. Minsan ay sa sobrang pagmamadali ay nakakaligtaan natin ang mga ilang importanteng bagay. Katulad na lamang ng cellphone o pitaka. Bagamat may ilang tao na nakaka-pulot at inaangkin ito, mayroong din iba na dalisay ang puso at sinosoli ito.


Katulad na lamang ng isang security guard na nagtabi at nagsoli ng wallet na naiwan sa isang ATM sa mall. Ibinahagi ng isang babae na nagngangalang Georgia Brizuela Relucio ang isang katapatan ng isang security guard.



Ito ang naging panimula ng post ni Georgia:
“THIS MAN DESERVES SO MUCH RECOGNITION!!! ?✨?️PASIKATIN TO!!”

Ika-25 ng Mayo ibinahagi ni Georgia ang kabutihang loob ng isang security guard at umani ito ng maraming reaksyon at papuri mula sa mga netizens.


Ayon pa kay Georgia:
“KUYA THANK YOU KASI KUNG DI DAHIL SAYO BAKA NAHEART ATTACK NA KO KANINA, SIYA PO SI GLEN R. REPATA, SINAOLI NIYA PO YUNG WALLET KO NA MAY EQUIVALENT NA 47,000PHP. TAPAT SIYANG NAGLILINGKOD, TULARAN PO NATIN SIYANG LAHAT!!”

Hindi sinasadyang maiwanan ni Georgia ang kanyang wallet sa taas ng ATM. Sa pagmamadali sa pupuntahan dahil may babayaran ay nawala sa isip niya na naipatong ang wallet sa taas ng ATM. Napansin na lamang ni Georgia na nawawala ang kanyang wallet noong siya ay nakasakay na sa LRT. Ibinahagi din niya na para daw siyang aatakihin noong nalaman na nawawala ang kanyang wallet dahil halos lahat ng importanteng bagay ay nasa loob ng wallet at mayroon ding pera. Nagsara na ang Mall na pinag-iwanan niya ng wallet pero lubos ang pasasalamat niya sa mga security guard na nag-asikaso sa kanya.



Lubos ang pasasalamat niya kay Glen R. Repata na isang security guard sa pagtabi ng kanyang wallet. Kinuha ni Glen ang wallet na naiwan dahil napansin niyang may dalawang lalaki na magwiwithdraw. Labis din ang papuri at parangal ni Georgia sa security guard at sinabi pang maswerte ang pamilya at trabaho niya dahil sa taglay niyang kabutihan.




error: Content is protected !!