Lalaki, nagwalk-out sa isang blind date matapos dalhin ng kaniyang ka-date ang 23 kamag-anak nito at umabot ng $2,800 ang kanilang bill sa restawran!



Hindi na bago sa ating mga Pilipino ang “blind date”. Marami sa atin ang nakaranas na nito dahil sa nais nating makakilala ng bagong mga kaibigan o di kaya naman ay para makahanap tayo ng nobyo o nobya sa hinaharap.



Ang “first blind date” ang talagang kritikal dahil sa ito ang unang pagkakataon na magkakakilala ang babae at lalaki. Dito magkakaalaman kung posible silang magkaroon ng relasyon o di kaya naman ay manatili na lamang sa pagiging magkaibigan.

Ngunit kakaiba sa mga madalas nating mabalitaan na “blind dates” ang nangyari sa lalaking ito. Nagdala lang naman kasi ng 23 mga kamag-anak ang kaniyang ka-date. Hindi naman ito alintana ng lalaki at hinayaan lamang niyang umorder ang mga ito.


Ngunit laking gulat na lamang niya dahil sa ang pinakamahal pang wine at pagkain ang kanilang inorder kung kaya naman umabot na sa $2,800 ang kaniyang babayarang bill. Ang nagplano pala ng date na ito para sa lalaki ay ang kaniyang ina mismo.

Natatakot kasi ang kaniyang ina na hindi na siya makapag-asawa pa at magkaroon ng sarili niyang pamilya sa hinaharap. Ngunit dahil sa naging pakulo ng babae upang masukat ang “generosity” ng lalaki ay mas nagalit pa ito at talagang nagwalk-out!


Ang ina mismo ng lalaki ang kumausap sa dalawa upang maayos ang gusot nilang ito ngunit pinaliwanag naman ng lalaki na hindi niya na nais pang makausap ang babae. Dagdag pa ng lalaki ay ayos lamang sa kaniya ang magbayad ng bill kung nagdala ng isa o dalawang kamag-anak o kaibigan ang babae ngunit ang pagdadala niya ng 23 kamag-anak ay talagang hindi katanggap-tanggap. Bandang huli ay binayaran na lamang ng lalaki ang nakain nilang dalawa ng babae at ang mga kamag-anak ng huli ang siyang nagbayad ng natitirang bayarin ng kanilang nainom na alak at nakain na mga pagkain sa naturang restawran.




error: Content is protected !!