Pitong beses man bumagsak sa LET, hindi siya sumuko, dahil sa pangwalong beses ay nakapasa na siya!



Para sa mga ibang naka-graduate ng kolehiyo, hindi pa natatapos ang tunay na pagsubok sa iba kapag hindi naka-pasa ng board exam. Ang board exam ay para sa mga lisensyang makukuha sa mga propesyon na katulad ng Teacher, Engineer, Architect, Nurse, atbp. Kaya marami ang nagsusumikap na maka-pasa sa exam para magampanan ang propesyong napili.



Tunay na nakakalungkot na pangyayari kapag bumagsak sa exam na ito. Ang pakiramdam na para bang nawawalan ka ng tiwala sa iyong sarili. Maiisip na lamang na hindi sapat ang kaalaman mo sa kagustuhan mong trabaho. Minsan pa ay sa pangatlong beses ay umaayaw na ang ilan at nawawalan na ng pag-asa.


Pero mayroon isang babae na nagpatunay na ‘habang may buhay, may pag-asa’. Isang nais maging guro sa Zamboanga ang hindi sumuko sa pagsubok ng Licensure Exam for Teachers (LET)

Siya si Nelma M. Dahimulla graduate ng Bachelor of Secondary Education, major in Agri-Fishery arts.


Ayon sa kanyang post:
“My first take naka 68 lang ata ako dayyy. masakit sobra pero madali lang man makamove on agad kasi inisip ko “ah wala to first time ko kasi kaya nanibago lang siguro tapos wala pang review”. Then hanggang sa nasundan mas lalong nakakasakit ng damdamin kasi sa mga sumunod pa ganun parin!”



Kahit na muntikan na siyang makapasa, hindi parin siya nawalan ng pag-asa. Idinagdag pa niya: ” To the point na naka 74.20 na ako dun ako naiyak.. Di nga ako umiyak na hindi ko nakita name ko mas naiyak ako sa score ko.”

Pero hindi siya pinang-hinaan ng loob dahil alam niyang may mga taong sumusuporta sa kanya. Ayon pa sa kanya:
“Nakakafrustrate oo pero hindi, kelangan ko bumangon di lang para sa mga taong gusto akong lumaban and sa mga taong naniniwala sakin like mga Pamilya ko… Most specially my parents pero dahil pangarap namin to at gusto ko to maachieve at mas maging proud pa ang parents ko sakin at magawa ko ang gusto kong gawin that is to inspire other people through my profession I love teaching others and giving inspirational advices.”

Ito na marahil ang naging dahilan upang makapasa siya sa LET:
“Di ako nagreview center before kasi mahal eh kapos pa sa datung at sobrang daming what if sa brain cells ko na hindi pa nga ako nag eexam iniisip ko na what if mabagsak ako ?sayang pera kasi wala talaga akong tiwala sa sarili ko,”



Kahit pitong beses siyang bumagsak sa exam, hindi siya sumuko. Buti na lang ay naisipan niyang pumasok sa review center na Carl Balita Review Center (CBRC) sa Zamboanga.

May ilang mga kumukuha ng exam na hindi sinusubukan mag-review center. Sa katunayan malaking bagay ito upang paghandaan mabuti ang mga licensure exams.




error: Content is protected !!