Anak nina Manny at Jinkee Pacquiao, nagtapos na sa kolehiyo na labis na ikinatuwa ng mag-asawa!



Ang Pinoy Boxing Champ at kasalukuyang nanunungkulan bilang Senador na si Manny Pacquiao kasama ng kaniyang maybahay na si Jinkee Pacquiao ay labis na natutuwa sa tagumpay ng kanilang panganay na anak na si Jimuel Pacquiao na kamakailan lamang ay nakapagtapos na sa hayskul sa Brent International School sa Biñan, Laguna.



Ang proud na mga magulang ni Jimuel ay nagbahagi ng kani-kanilang natatanging sandali sa nasabing pagtatapos. Ayon sa Facebook post ng kaniyang ama na si Manny Pacquiao; “We are so proud of you Jimuel!”


Habang ang ina naman niya na si Jinkee Pacquiao ay nagbahagi ng larawan kasama siya at ang mister na si Senador Manny habang nakasuot ng pulang toga si Jimuel. Ayon sa caption ni Jinkee sa kaniyang post, “Proud and Blessed Mom and Dad! #ourgraduate #Godisgoodandgreat #grateful”. Sinundan din ito ng isa pang post ng ina na mayroong caption na “Indescribable feeling” kasabay pa ng ilang mga larawan sa pagtatapos ng kaniyang panganay.


Kamakailan din lamang ay naging usap-usapan si Jimuel dahil sa pag-amin nila sa tunay nilang relasyon ng dating “Pinoy Big Brother” housemate na si Heaven Peralejo. Ang 18 taong gulang na si Jimuel ay nagpapakita na rin ng interes sa pagboboksing na tila nagpapakita ng pagnanais nitong sundan ang mga yapak ng kaniyang ama.



Sa unang amateur fight nga nito noong Abril ay na-knock out niya ang kaniyang kalaban na si Miguel Egan sa ikalawang round ng kanilang laban na ginanap sa Amoranto Sports Complex sa Quezon City. Sinasabing “1-2 combination” ang kaniyang ginamit upang mapatumba ang kaniyang kalaban. Labis na ikinatuwa ito ng panganay ni Senador Pacquiao na sumailalim sa isang buwan ng matinding pagsasanay.

 

View this post on Instagram

 

Brent International School Manila 34th Commencement Exercises ? #ourgraduate #myeldest

A post shared by jinkeepacquiao (@jinkeepacquiao) on

Noong nakaraang Pebrero naman ay lumaban din siya sa kaniyang schoolmate na si Lucas Carson sa isang two-round sparring session na pinatumba niya rin sa ikalawang round. Noong una ay hindi pa sang-ayon ang kaniyang ama sa kaniyang pagnanais na sumubok sa larangan ng boksing ngunit kalaunan ay sinuportahan na rin nilang mag-asawa ang nais ng kanilang anak.