Ikinatuwa at kinagiliwan ng marami ang video ng mister ni Pokwang habang nagsasalita ng Tagalog sa pagbili ng lechong manok at liempo!



Masarap ang buhay may-asawa, maaaring may hirap at pagtitiis paminsan-minsan ngunit matuturing pa rin na isang napakagandang biyaya mula sa Diyos ang isang buong pamilya na nagkakaisa, nagmamahalan ay mayroong respeto sa isa’t-isa. Bawat miyembro ng pamilya na ito ay mayroong kani-kaniyang gampanin.



Magmula sa ilaw ng tahanan, haligi ng tahanan at maging sa mga supling nila o mga anak. Kung ang bawat miyembro ng pamilya ay magtutulungan, tunay ngang hindi na magiging mahirap ang anumang pagsubok na kanilang pinagdaraanan.




Tulad na lamang ng pamilya ng isang sikat na komedyanteng ito na si Pokwang. Hindi lingid sa kaalaman ng marami sa atin ang kaniyang pinagdaanan hindi lamang sa kaniyang personal na buhay kung hindi maging sa kaniyang buhay pag-ibig. Siya ay nagtrabaho noon sa ibang bansa at naging OFW, dahilan upang hindi niya masilayan ang kaniyang panganay na anak ng ito ay pumanaw dahil sa “congenital brain ailment”. Nagkaroon din siya ng ikalawang anak sa isa pang Japanese national na pinanganalan niyang Ria Mae. Bagamat hindi naging matagumpay ang kaniyang mga naunang relasyon ay nanatili siyang matatag sa hamon ng buhay.




At nakilala niya nga ang Amerikanong aktor na si Lee O’Brian na naging nobyo niya noong Enero 20, 2015. Nabuntis siya noon ngunit sa kasamaang-palad ay nalaglag ito. Sa kabila ng matinding dagok na ito sa komedyante ay mas lalong naging matatag siya at nagkaroon ng mas matibay na pananampalatay sa Diyos. Setyembre 2016 ng mapag-usapan ng kaniyang pamilya at pamilya ng kaniyang nobyo ang kanilang pagpapakasal ngunit naantala ito dahil sa kaniyang mga proyekto. Hunyo 16, 2017 naman ng ibalita nila ba pitong linggong buntis si Pokwang sa unang anak niya kay Lee. Enero 18, 2018 ng isilang niya ang kaniyang ikatlong anak, (una kay Lee) na pinangalanan nilang Malia Francine. Sila ay larawan na ng isang masaya at kumpletong pamilya.





Kamakailan lamang ay naging usapan-usapan sa social media ang video na ibinahagi ni Pokwang sa kaniyang social media account kung saan ang kaniyang mister na si Lee ay bumili ng kanilang ulam na lechong manok at liempo dahil wala na silang oras para maghanda pa ng kanilang ulam sa araw na iyon. Talaga namang kinagiliwan ng marami ang nakakatuwang pananalog ni Lee. Maging ang kaniyang asawa na si Pokwang ay hindi mapigil ang tawa sa ka-cutean ng asawa.




error: Content is protected !!