Pamilya naging libre ang hapunan sa isang restaurant dahil sa pagdadasal nila ng malakas bago kumain!

Isang mahalagang bahagi ng kultura ng mga Pilipino ang sabay sabay na pagkain ng pamilya. Kung sabay sabay na kumakain ang pamilya mas nagkakaroon sila ng oras o bonding sa isa’t isa. Ayon sa post ni Karl Alain Arante, lubos silang nagpapasalamat sa kabutihan ng Diyos sa kanila.

Dagdag pa nito, pumunta sila sa isang kainan kasama ang kanyang asawa at ina. Nagtagal sila sa pamimili sa menu ng pagkain dahil sa ninais nilang makatipid kahit halagang 500 piso lamang.

Pagkatapos nila makapili at maka-order ng pagkain, nagdasal muna sila bago tuluyang kumain sa pangunguna ng kanyang asawa. Habang sila ay kumakain, napansin niya ang isang dayuhan na nagbabayad sa kahera, nagtaka pa siya dahil sa waiter lang naman ay maaari nang magbayad, bakit kinailangan pa niyang magpunta mismo sa kahera, nagtataka niyang tanong sa kanyang asawa.

Matapos nila kumain ay hiningi na ng kanyang ina ang bill ngunit laking gulat nila ng pabulong na sinabi ng kahera na binayaran na ng dayuhan kanina ang kanilang nakain.

“Thank you Lord!” ang biglang bungad ng kanyang ina. Ang mga nasabing dayuhan ay nag-iwan pa ng sulat sa kanila, “Thank you for not being ashamed of your faith”.
Lubos naman ang pasasalamat ng pamilya sa mga dayuhan dahil sa hindi nila inaasahang biyaya sa kanila nung gabi na iyon.

Tunay ngang sa araw-araw na ginawa ay biniyaya ng Diyos sa atin, wala pa rin Siyang sawa sa pagbibigay biyaya sa mga anak niya. Ito ay tunay na patunay na mayroon pa ring mga tao na nakakapansin ng kahalagahan ng pagdarasal bago kumain na tila nakakalimutan na ng nakararami sa ngayon.



Reply

error: Content is protected !!