Dalagang dalaga na nga ang dating child actress na gumanap bilang si Trudis Liit na si Jillian Ward sa kaniyang unang sagala!

Marami tayong kinagigiliwan na mga artista, lalaki man o babae, matanda o bata. Karaniwan na nating hinahangaan ang mga artistang ito dahil sa kanilang angkin na kagandahan, talento at pag-uugali. Karamihan pa nga sa mga artista na ating kinagigiliwan ay nakita na nating lumaki, magdalaga at magbinata sa industriya ng show business.

Tulad na lamang ng American-Filipino child actress na si Jillian Ward na kinagiliwan ng maraming netizen dahil sa napakaganda nitong transpormasyon habang siya ay gumanap bilang Reyna Elena sa kauna-unahan niyang sagala.

Una na siyang nakilala bilang si Trudis Liit sa Sine Novela presents Trudis Liit noong 2010. Siya ay gumanap bilang Trudis na talaga namang kinagiliwan ng maraming Pilipino. At siya nga ngayon ay isa nang Promising Teen Star ng GMA Network. At ngayon nga ay marami ang nagulat at nasorpresa sa kanyang malaking transpormasyon.

Dalagang dalaga na nga talaga ang dating child star at modelo na si Jillian Ward. Maraming mga netizen ang nakapansin sa angking ganda ng dating child star na di umano’y maaari ring sumabak sa mga beauty pageants. Kamakailan lamang ay nagbahagi siya ng kanyang larawan nang siya ay gumanap bilang Reyna Elena sa isang sagala. Siya ay nakasuot ng kulay lilang gown at silver na korona na talaga namang nagpatingkad ng kanyang kagandahan.

Narito ang ilang pahayag ng ilang netizen sa naturang post ng Kapuso Teen Star:
“Sis you’ve grown so much! I remember looking up to you as a kid and was (and still am) happy of your success! You are one of my role models, and I am more than proud to say that. Sending more love to you!”

“Wow our Miss Universe! The way you smile the way I falling! charen ingat ka palagi Miss Universe! See you soon! BTW ano nga pala ipapangalàn mo sa signature walk mo? Hehehehehe I love so much miss Universe mwuaaaa”

“Ang ganda talaga Queen, tapos purple pa gown! Sana makapunta kami!!! Mygash!!! Kung alam mo lang, nagulat kami nun. I love you!! #jillianaticsfamily”



error: Content is protected !!