Maraming judgemental! Isang sari-sari store owner napagkamalan na hoarder!



Sa panahon natin ngayon, hindi na talaga mawawala ang mga taong mapanghusga sa kanilang kapwa at mga taong wala nang ibang alam kundi ang punahin ang pagkakamali ng kanilang kapwa. Nakakalungkot ang mga ganitong pangyayari ngunit ito ay totoo.


Kamakailan lamang ay maraming mga netizens ang natuwa sa ibinahagi ng isa pang netizen patungkol sa pagiging mapanghusga ng tao sa kaniyang paligid. Ayon sa social media post ng nagngangalang “Drin Sang-ulan” ay talaga namang sobrang sama ng tingin sa kaniyang ng mga taong kasabay niyang mamili sa isang pamilihan dahil sa inakala ng mga ito na isa siyang hoarder.




Ang “hoarding” ay akto ng pagbili ng marami o bultuhan ng isang partikular na produkto dahil sa mataas na demand nito na nakadepende sa kalagayan ng ekonomiya o lipunan ng isang bansa. Sa ngayon nga ay nakakaranas tayo ng banta ng COVID-19 kung saan mataas ang demand ng maraming mga supplies pangmedikal kagaya na lamang ng sanitizers, mga gamot, face masks, at disinfectants.

Umani ng maraming komento at reaksyon mula sa publiko ang Facebook post ng naturang netizen. Narito ang ilan sa mga nakakatuwang komentong ilang mga netizens:


“Hahaha. I could relate. Matatalim tumingin ang mga tao ngayon sa mga supermarkets. Tinitingnan nila ‘yung mga pushcarts na dala ng kapwa mamimili. Kapag marami kasing pinamili, hahaba rin ang pila, medyo matagal ang bawat transaksyon,” pahayag ng isang netizen.


“Naku huwag po tayong judgmental. Hahaha. Para sa akin, okay lang naman ang mamili ng mga kailangan sa bahay, pero sana naman, huwag mag–hoarding kasi kawawa naman yung iba. Iniligtas nga natin ang sarili natin, paano naman ang iba?” komento naman ng isa.

“Hahaha. Mahirap ang kalagayan mo, kuya. Minsan talaga maraming mga taong mapanghusga. Lahat na lang binabantayan ang bawat kilos mo. Parang sa pagmamahal. Nakabantay ang mga tao kung kailan ka magkakamali. Char!” saad ng isa pang netizen.






error: Content is protected !!