Jackie Rice, tinawanan lamang ang kontrobersiya patungkol sa 2 milyong piso na booking fee niya sa isang escort service website!



Tunay ngang hindi na yata maiiwasan ang napakaraming mga intriga at kontrobersiya sa industriya ng show business. Marami nga sa mga ito ang walang katotohan ang gawa gawa lamang ng maraming mga bashers ngunit mayroon din namang mga totoong nangyayari na talaga namang sinusubaybayan talaga ng publiko. Tulad na lamang ng isyu na ito tungkol sa dalawang milyong pisonng booking fee ng aktres na si Jackie Rice bilang isang escort.



Si Jacqueline Sobreo Rice o mas kilala ng marami sa show business bilang si Jackie Rice ay isang 29 taong gulang na aktres at commercial model mula sa Bataan. Kamakailan lamang ay naging maugong na usap-usapan sa social media ang diumano ay pagkakadawit ng kaniyang pangalan sa isang escort service website.


Hindi naman ito sineryoso ng aktres at nagbahagi pa nga siya ng isang screenshot ng nasabing website kung saan makikita ang kaniyang larawan. Siya ay inilarawan ng nasabing website bilang isang “Filipina actress” na handang magbigay ng kaniyang serbisyo sa mga VIP members ng website sa halagang dalawang milyong piso na rate kada tatlong oras. Nagbiro pa nga ang aktres na maaari nang i-check ang website at i-book siya.


Isang patunay na nga ang pagbabahagi ng aktres ng larawan ng kaniyang pakikipag-usap sa kaniyang kakilala kung saan siya ay kinukumusta nito at sinabi na lamang niya na natatawa na lamang siya sa isyu kung kaya naman ipinost pa niya ito sa social media ayon pa nga sa aktres.



“Goodnight no worries natatawa nalang ako sa gumawa kaya pinost ko pa,” pahayag ng aktres. Naging trending ang pangalan ng aktres dahil sa usap-usapan na ito kung kaya naman dagdag pa nito ay magpapataas pa ito lalo ng higit pa sa dalawang milyong piso. Ipinakita din ni Jackie sa kaniyang post ang anunsiyo ng website nan aka-down ito sa kasalukuyan dahil sa higit 3 milyong views na inabot nito. Pagbibiro pa nga ng aktres kung paano na ang mga magbobook sa kaniya kung naka-down ang system ng nasabing website.

Source: Pep




error: Content is protected !!