Isang simple at makatotohanang pre-wedding photoshoot sa Laguna labis na kinagiliwan ng marami!

Ang pre-wedding sh00t na ito ng isang magkasintahan ay nagpapakita ng kasimplehan ng buhay at hindi magarbong pamumuhay ay viral ngayon sa social media.


Isang Facebook page na nagngangalang ChuckShots ang nagbahagi ng ilang mga larawan ng magkasintahang ito para sa kanilang pre-wedding photoshoot na kinuhanan sa Barangay San Miguel, San Pablo, Laguna nito lamang nakaraang Mayo 27. Ang nasabing viral post ay mayroong caption na “We promise each other’s acceptance of flaws, here’s our love through life’s simplest forms. For better and for w0rst. We have us.”


Ang magkasintahan na sina Mhajoy at Jocjoc ay mayroong mga kuha ng larawan habang sila ay nagluluto, nagwawalis at naglilinis ng bakuran, nagsisibak ng kahoy, nagsasampay ng mga nilabhang damit at naglalaba na talaga namang naglalarawan ng isang natural at simpleng buhay may-asawa sa probinsiya.

Matapos ng magkasama nilang paggawa sa mga gawaing bahay ay makikita rin silang namamahinga habang umiinom ng “buko juice” sa kanilang mumunti ngunit masayang tahanan.


Ninais ng magkasintahan ang ganitong uri ng konsepto dahil sa ito rin ang kwento ng kanilang pagmamahalan, maaaring simple lamang ito at natural na natural ngunit ito ang reyalidad ng buhay may-asawa.

Laking pasalamat din naman nila sa kanilang potograpo na si Believer Chucks na siyang nagbahagi nito sa Facebook page na ChuckShots at nagbigay buhay sa kanilang simple ngunit makatotohanang pagsasalarawan ng kanilang buhay pag-ibig.


Maraming mga netizen ang talaga namang humanga sa kanilang pre-wedding photoshoot na sa ngayon ay mayroon nang higit sa 21k na reaction at 13k na shares at ilang libo na mga komento sa social media.


Marami sa mga netizens ang talaga namang natuwa rito, ayon nga sa ilan sa mga netizen na ito ang nagsabing ngayon lamang sila nakakita ng ganitong uri ng photoshoot lalo na sa panahon ngayon na uso na ang pagarbuhan at paenggrandehan ng mga kasalan at mga preparasyon bago ito.

Pinuri din ng marami ang kanilang pagiging kuntento sa kung anong mayroon silang mga materyales at ang pagiging mapagpakumbaba nila at simple lamang.



error: Content is protected !!