Kilalanin ang napakagandang anak na babae ng komedyanteng si Jose Manalo!

Kasiyahan na marahil ng maraming mga magulang ang makitang nagiging matagumpay na sa buhay ang kanilang mga anak. Tunay ngang mahirap ang magkaroon ng pamilya ng maaga ngunit hindi ito hadlang sa pagiging mabuting ama, ina o magulang. Kung kaya naman maraming mga magulang ang dapat hangaan at maging inspirasyon sa maraming mga Pilipino.

Ang 51-taong gulang na komedyanteng si Jose Manalo o si Ariel Pagtalonia Manalo sa tunay na buhay ay biniyayaan ng mga talentado at matatalinong mga anak. Bukod sa anak niya na si Benj Manalo na sa ngayon ay nagtatrabaho na sa ABS-CBN at si Nico Manalo na isa ring aktor sa teatro ay mayroon pa siyang isang anak na babae. Ang kaniyang unica hija na si Myki Manalo.

Si Myki Manalo ay nagtapos sa De La Salle University sa kurso na Bachelor of Science in Psychology noong 2002. Taong 2006 naman nang makamit niya ang kaniyang medicine diploma sa FEU-Dr. Nicanor Reyes Medical Foundation. Ngayon naman at okupado na siya sa kaniyang post-graduate internship sa De Los Santos Medical Center sa Quezon City.

Ang pagiging ama ng komedyante ay makikita rin sa tagumpay ng kaniyang mga anak. Sa kabila ng impluwensiya ng ama sa kaniyang mga nakakatuwang gawa ay mas minabuti ni Myki na pillin ang kaniyang nais na propesyon lalo na ang pagtulong sa kapwa. Habang nakakaya niyang mabalanse ang trabaho at ang kaniyang pamikya ay nagkakaroon pa rin siya ng panahon upang magsaya kasama ang kaniyang mga kaibigan.

Ito ay patunay lamang na kahit gaano pa kaabala si Jose Manalo na magpasaya at magpatawa ng maraming tao ay hindi pa rin niya nakakalimutang itaguyod at palakihin ang kaniyang mga anak na isa sa kaniyang mga pangunahing prayoridad.

Si Ariel Pagtalonia Manalo, o mas kilala bilang si Jose Manalo ay isang kilalang komedyante at direktor. Siya ay nakilala sa kaniyang husay at galing sa paghohost sa Eat Bulaga.



Reply

error: Content is protected !!