Kilalanin natin ang itinagong anak ni Aubrey Miles na binata na ngayon



Kilala natin si Aubrey Miles na isang sikat na aktres dati at marami ang humanga sa kanyang kagandahan lalo na ang kanyang kaseksihan. Maligaya ang kanyang buhay ngayon sa piling ng asawang si Troy Montero. Isa ring certified na fitness trainer ngayon si Aubrey Miles.


Nitong nakaraang Father’s Day ay naging ‘guest’ si Troy Montero sa Eat Bulaga sa kanilang Father’s Day edition noong ika-15 ng Hunyo. Kasama niya sa programa ang isang binatang pangalan ay John Maurie Obligacion.




Pero sino nga ba si John Maurie Obligacion? Ang binatang ito ay ang panganay na anak pala ni Aubrey Miles na inilihim niya noong siya ay muling nagbalik sa showbiz. Ito ay naging anak niya sa dating aktor na si JP Obligacion.


Dalawang taon pa lamang ang unang anak ni Aubrey, dumating sa buhay nila si Troy Montero. Pero dahil sa pagmamahal niya kay Aubrey, tinnanggap at itinuring na sarili na rin ni Troy si John Maurie. Gayon pa man, kahit na maayos ang pamilya nila hindi hinadlangan si John Maurie upang makita at makasama ang kanyang tunay na ama.





Nakakatuwang isipin na naging maganda ang relasyon ng dalawang ama ni John Maurie. Sa katunayan nga ay may mga larawan na kasama niya ang dalawa niyang ama sa kanyang graduation sa La Salle Green Hills.




Bagamat naging mahirap ang naging panimula ni Aubrey, kahit na siya ay nagdalang tao noong edad na 23. Ginawa niya ang lahat upang maitaguyod ang kanyang anak. Pero minabuti niyang ilihim ito dahil nagbalik siya sa showbiz.



Taong 2017 ng ipinakilala na ng magasawang Aubrey at Troy ang tungkol kay John Maurice. Ito ay ang guesting nila sa prograna na ‘Magandang Buhay’. Kahit na may dalawang anak si Troy kay Aubrey, itinuring na anak at minahal niya si John Maurice na parang tunay niyang anak.






error: Content is protected !!