Sinuportahan ng mga netizen ang aktres na si Pokwang sa kaniyang panawagan tungkol sa pag-order ng mga pagkain sa Grab!



Marahil ay marami sa atin ang nasanay na sa napakaraming bagay na “instant” na ngayon. Kung dati rati ay pinaghihirapan pa natin ang maraming mga bagay at pinag-uukulan ng oras at panahon, ngayon ay napapabilis na ito at mas nagiging kombinyente na ito para sa atin.


Halimbawa na lamang ang pag-order ng mga nais nating kainin. Kung dati ay kinakailangan pa nating bumiyahe at tiisin ang mahabang pila, ngayon ay mayroon nang tao na maaaring gumawa ng mga ito para sa atin. Marahil ay hindi pamilya ang marami sa app na “GrabFood”, ngunit maihahalintulad lang din ito sa “Grab” na isang app sa pagkuha o pagrenta ng sasakyan online. Ang “GrabFood” naman ay isang app kung saan maaari kang umorder ng nais mong pagkain at sila na ang bahalang pumila, bumili, at maghatid sayo ng mga ito. Sobrang dali at kombinyente hindi ba?




Ngunit kamakailan lamang ay marami ang tila nainis at nagalit nang mayroong mga customer na niloloko pa ang mga GradFood Riders at ipinapacancel pa ang mga pagkain na naorder na nila. Kung kaya naman ang naging resulta ay kinain na lamang ng kawawang Rider kasama ang ilan niyag kasamahan ang pinakanselang order ng customer. Naghati-hati rin sila upang mabayaran ang nasabing pagkain.

Nagpahayag naman ng kaniyang komento at saloobin ang komedyante at aktres na si Pokwang ukol dito. Nagpost ang komedyante tungkol sa isang driver noon na tinanong niya kung may maisusukli siya sa P1,000 ngunit nabigla siyang malaman na P500 lamang pala ang kanilang puhunan sa araw-araw.


Ang pera na iyong ang nagiging capital nila sa buong araw at ang ginagamit nilang pera kung mayroong oorder sa kanila na customer at magpapabili ng pagkain. Sila ang nagpapaluwal, pumipila, naghihintay at naghahatid ng mga order na pagkain upang hindi na maabala pa at hindi na umalis ng bahay ang mga customer. Kung kaya naman nanawagan si Pokwang na kahit papaano ay maawa naman sana ang ilang mga customer na nagtitrip sa mga kawawang driver na naghahanap buhay para sa kanilang mga pamilya.






error: Content is protected !!