Kamangha-manghang paraan ng pagbabalat ng bawang, patok na patok ngayon sa publiko!



Ang bawang ay talaga namang isa sa pinakaginagamit na rekado ng maraming mga Pilipino. Kilalang kilala ang pangpalasa at rekado na ito sa buong mundo, hindi lamang ito nakakadagdag sa lasa at amoy ng pagkain kung hindi mayroon ding maraming mga benepisyong makukuha mula rito ang ating katawan.


Ngunit marami din naman talaga ang labis na nahihirapan sa pagbabalat nito. Hindi basta basta at talagang paghihirapan mo muna bago mo mabalatan at magamit sa pagluluto ang ganitong uri ng mga rekado. Ngunit higit sa lahat ay nakapag-aaksaya din ito ng oras na sana ay mailalaan mo pa sa ibang bagay.




Marami na din tayong nagagamit at nakikitang mga imbensyon upang masolusyunan ang problema na ito sa paglipas ng panahon. Ngunit aakalain ba ninyo na mayroon pa lang mas epektibo, mas madali at mas mabilis na paraan ng pagbabalat ng mga ito? Isang kutsilyo lamang at kaunting “twist” at solve na ang problema na ito.

Ang genius hack na ito ay ibinahagi sa Twitter bg isang Valentina Pestilene. Ginulat niya ang maraming mga netizen sa napakadaling paraan niya ng pagbabalat ng mga bawang. Itutusok mo lamang ang kutsilyo sa bawang at kaunting ikot lamang ay hihiwalay ang bawang sa balat nito. Narito ang kaniyang naging caption sa kaniyang video: “As someone who makes a lot of Korean food, this is the best method for getting garlic peeled!”


Talaga namang mamamangha ka kapag napanuod mo ang viral video na ito. Napakalaking tulong nito lalo na sa mga magulang at sa mga ina ng tahanan na abala sa maraming mga bagay lalo na sa pag-aalaga at pag-aasikaso ng kanilang pamilya at mga mahal sa buhay


Umani rin ito ng napakaraming positibong komento at mga reaksyon sa social media. Marami ang namangha sa panibagong pamamaraan na ito at marami din naman ang nanghinayang kung bakit ngayon lamang nila ito nadiskubre.





error: Content is protected !!