Tatlong Babaenga anak nila Gary Estreada at Bernadette Allyson, magaganda at artistahin



Mayroon tayong mga ini-idolong mga artista at karaniwan ay sinusubaybayan natin ang nagiging buhay nila. Minsan ay inaalam natin kung sino ang nakaka-tuluyan nila at inaalam din ang mga nagiging anak nila.


Natutuwa din ang mga netizens makita ang mga kombinasyon ng itsura ng kanilang mga idolong artista. Siyempre, kapag maganda ang puno, maganda rin ang bunga. Katulad na lamang ng mga anak nila Gary Estrada at Bernadette Allyson.




Nagka-mabutihan sina Gary at Bernadette noong 1996 kung saan ay sila ay nagka-kilala sa set ng “Ikaw Naman Ang Iiyak”. Umusbong ang kanilang pagmamahalan at ng 2001 sila ay nagpakasal.


Katulad ng ibang mga showbiz na mag-asawa, dumaan din sila sa maraming pagsubok at kontrobersiya. Pero kinaya nila lahat ito at napag-tagumpayan. Lalo na’t tumakbo bilang board member si Gary Estrada sa ikalawang distrito ng Quezon City.



Ang pagmamahalan nila ay nagbunga ng tatlong magagandang mga babae. Ang tatlong ito ay nagsisimula sa letrang ‘G’ ang kanilang mga pangalan. Ang mga magagandang babae na ito ay sina Gabrielle, Gabby, at Gianna. Marami ang nagsabi na kahawig ni Bernadette ang kanilang mga anak. Pero ang iba naman ay nagsabi na halo ang kanilang mga itsura. Pero kanino man nag-mana, mapapatunayan sa mga litrato na talagang magaganda sila.


Mapapansin din sa mga larawan na magka-hawig sina Gabby at Gianna. Minsan ay napagkaka-malan pang kambal ang dalawa dahil sa maraming pagkaka-halintulad sa mukha. Makikita din sa mga larawan ang pagka-hilig ng pamilya sa pamamsyal sa ibang bansa. Makikita ang mga litrato sa kanilang social media accounts at ilan sa mga napasayalan nilang bansa ay sa Hongkong at Barcelona.



Dahil ang tatlong anak na babae ay anak ng mga artista, makikita kaya natin sila bilang artista din? Susundan kaya nila ang yapak ng kanilang mga magulang? Sa katunayan isang kapuso artista na ngayon ang kalahating kapatid nila na lalaki na si Kiko Estrada.




error: Content is protected !!