Mga halaman na nagbibigay ng positibong enerhiya sa loob ng bahay, alamin!



Marami sa atin ngayon ang tila sanay na sa polusyong dala ng modernisasyon sa ating mga komunidad. Ngunit hindi rin natin dapat ipagsawalang-bahala na lamang ang mga kawalan ng disiplina ng marami sa atin lalo na sa pangangalaga ng ating kapaligiran.

Buti na lamang at kahit papaano ay mayroon pa rin tayong ilang mga halaman na nakatutulong sa ating kapaligiran at sa ating mga kalusugan. Ang paglalagay ng mga halaman sa loob ng ating tahanan ay hindi lamang nakapagbibigay ng maaliwalas na pakiramdam sa atin kundi nakakapagdulot dito ito ng positibong enerhiya sa ating lahat. Narito ang ilan sa mga halamang maaari nating ilagay sa loob ng ating tahanan na nakapagbibigay ng positibong enerhiya:



LUCKY BAMBOO


Madalas makita ang halaman na ito sa loob ng bahau o opisina. Ito ay mayroong vertical shape na nagbibigay ng positibong enerhiya sa buhay pag-ibig, kalusugan at maging sa swerte natin sa buhay.


Tumatagal ang buhay ng ganitong uri ng mga halaman sa isang kwarto na mayroong mahinang ilaw o hindi direktang nasisikatan ng araw. Huwag din kakalimutan na lagyan ito ng kaunting tubig.

MONEY PLANT



Ang halaman na ito ay kilala rin sa pangalan na golden pothos, hunter’s robe o silver vine na madalas makita sa loob ng bahay. Nakakapagdulot ng positibong enerhiya ang halaman na ito sa ating buhay. Ilagay lamang ito sa isang sulok upang kahit papaano ay mabawasan naman ang iyong stress, anxiety, at negative thoughts.

ALOE VERA




Kadalasang nakikita ang mga halaman na ito sa loob ng bahay. Mabisa itong panlaban sa bad vibes. Ayon pa sa mga eksperto, habang lumalaki ang halaman na aloe vera ay naghihikayat ito ng swerte.

LAVENDER


Ang halaman na ito ay nakakatulong upang mawala ang depresyon o kalungkutan sa loob ng ating tahanan. Kung kaya naman nararapat na maglagay kayo ng halaman na lavender sa gilid ng inyong tahanan kung gusto niyo ng masayang vibes sa loob ng inyong bahay.

ROSEMARY




Ang halaman na ito ay hindi madalas makita sa loob ng ating mga tahanan dahil sa may kamahalan ang presyo nito. Ngunit ito ay mabisa sa pagpapalakas ng ating memorya at nakakapagpaginhawa rin ng ating disposisyon. Kung wala kang halaman ng rosemary ay maaari ka din namang maglagay ng usbong nito sa isang cloth bag at maaari mo itong isabit sa loob ng inyong tahanan.




error: Content is protected !!