3 matalik na magkakaibigan, nag-‘top’ sila sa board exams



Sabi nga nila kapag nag-kolehiyo, piliin ang mga sasamahan na kaibigan na magiging kasama mo sa kabutihan at hindi sa kasamaan. Hindi kasi biro ang mag-aral sa kolehiyo. Dito masusubok ang pagsisikap at determinasyon sa layuning makatapos ng pag-aaral. Bukod pa sa pagtatapos ng kolehiyo, may mga kursong kinakailangan ipasa ang board exams upang magkaroon ng lisensya.


Katulad na lamang ng tatlong matatalik na magkakaibigan na hindi lamang naka-pasa sa board exam, nag-top pa sila! Nakatulong ng mabuti ang pagkakaibigan at samahan nila sa pag-aaral. Si Almira Louise Olete Hinsoy at Dennise Kim Marie Bulquiren Luig ay magka-roomate na ng tatlong taon sa pinapasukang Kolehiyo sa West Visayas State University – La Paz, Iloilo. Silang dalawa ay nasa College of Nursing. Naging matalik silang magkaibigan at nagtutulungan sa mga aralin nila. Parehas din silang nahihilig sa milk team, makeup, at calligraphy.




Nadagdagan naman sila ng panibagong kaibigan noong naging fourth year sila. Ito ay si Thomas Benroe Tallodar Supeña. Silang tatlo ay parehas na nakapag-tapos at parehas ding naka-kamit ng karangalan. Dahil Nursing ang kurso, hindi pa tapos ang pagsubok nila. Kinakailangan nilang mag-aral ng mabuti upang magkaroon ng lisensya. Bukod pa dito, kilala ang eskwelahan nila na may track record na 100% passing rate, hindi lang kabilang ang taong 2017 dahil 99% ito. Naging pursigido rin sila na mapabilang sa Top 10 ng board exams.


Kaya labis na ikinatuwa nila na sila ay makapasa at silang tatlo ay kabilang sa top 10. Itong nakaraang 2019 Nurse Licensure Examination (NLE), si Almira ang naging 1st, si Dennise naman ang 2nd, at si Thomas ang 7th. Matatalik na magkakaibigan, matatalino pa.

Ang kanilang pagkakaibigan marahil ang isa sa mga dahilan kung bakit naging maganda ang kinalabasan ng kanilang board exams. Ang pangyayaring ito sa kanilang buhay ay hinding-hindi nila makakalimutan.




Ibinahagi ni Almira ang karanasan ng kanilang pag-aaral:
“The days of review were hectic. We needed to be at school earlier than the usual 8 a.m. class … Some of us would go to school at 2 a.m. and wait for the school gate to open just so we could get front seats,”


Ibinahagi naman ni Dennise ang sakripisyo na ginawa nila sa pag-aaral:
“It was sometimes difficult to wake up every day at 6 a.m. and even 3 a.m., to prepare for our daily reviews. But we were each other’s cheerleader and alarm clock,”




error: Content is protected !!