Mga videos ng magkasintahan na naglalambingan sa loob ng sasakyan, ito ang sinabi ng LTO sa kanila



Dahil sa pagka-hilig ng mga tao sa social media, nagiging dahilan ito para sa mga iba na kumuha ng mga litrato o video na maaaring maging viral. Ang mga video na nagva-viral ay kadalasan ay kakaibang video o kaya naman mga katatawanan. Naaaliw ang mga tao na mag post ng mga ganito dahil sa mga nakukuhang likes at reaksyon lalong-lalo na kapag nag-trending. Pero paano kapag ang kinukuhang video ang magdudulot ng kapahamakan? Karapat dapat lamang na maging maingat sa lahat ng gagawin. Katulad na lamang ng nag-viral na video ng magkasintahan na nagpakita ng paglalambingan sa loob ng sasakyan. Makikita sa video ang matatamis nilang mga ginagawa habang nagmamaneho. Sa kabilang banda, dapat lamang na kapag humawak na sa manibela at tumatakbo ang sasakyan at tutok dapat sa pagmamaneho.

Dahil nag-viral ang video nila, napansin ng Department of Transportation (DOTr) ang ganitong gawain. Kaya nagbigay sila ng paalala sa mga nagmamaneho na iwasan ito at tumutok sa pagmamaneho.



Ayon sa DOTr:
“Pasintabi lang po, Ma’am and Sir. Ayaw po namin maging KJ at makasira sa lambingan moments ninyo. We understand you love each other. Pero, love din po namin kayo, and we want you to be safe,”

Nakaka-tuwa man ang mensahe ng DOTr, pero nagsisilbi pa rin itong paalala na maging maingat sa pagmamaneho upang maka-iwas disgrasya. Hindi pwedeng sabihin na kontrolado mo ang lahat dahil hindi masasabi ang pwedeng mangyari. Baka magsisi lang sa huli.


Idinagdag pa nila:
“Dahil diyan, nais po namin kayong paalalahanan na…. Okay lang maglambingan, basta nasa ligtas na lugar, pagkakataon at pamamaraan. TANDAAN: Kapag nagmamaneho, ang focus dapat ng driver ay sa kalsada, hindi sa katabi niya.”


Nagbigay din ng ‘hugot’ ang DOTr upang mas maging kagiliw-giliw sa kabataan ang paalala nila:
“Minsan, mas okay na bumitaw sa nobya, ‘wag lang sa manibela. No bitter feelings. Just pag-ibig.”




error: Content is protected !!