Mahigit 200 na medalya ang naipon ng isang 16-taong-gulang na estudyante sa Pangasinan



Ang bawat medalya na nakukuha ay isang karangalan para sa mga tumatanggap. Ito ay patunay ng isang karangalan na iyong pinaghirapan. Natutuwa na ang iba kapag nakatanggap ng isang medalya dahil hindi sa lahat ng pagkakataon ay pinaparangalan tayo. Kaya kung may natamong karangalan o medalya, karapat-dapat lamang na pahalagahan ito. Pero mabibilib ka sa naipong medalya ng isang pinay na ibinahagi niya sa Facebook. Kung ang iba ay masaya na sa ilang medalya, siya ay mayroong mahigit pa sa 200 na medalya na naipon.


Ito ay si April Christelle T. De Leon na taga-Lingayen, Pangasinan. Ibinahagi niya ang larawan noong Ika-26 ng Mayo taong 2019.
Ayon sa caption ng post:
“These memories will forever be treasured and will always be with me wherever I go. Goodbye Lingayen, Pangasinan”. Nakamit niya ang napaka-raming medalya sa pagiging masipag niya sa pag-aaral. Ang ilang medalya naman ay nakamit niya sa mga ibang larangan. Mula Grade 1 to Grade 10 siya ay laging nangunguna sa klase. Nang siya ay nakapag-tapos ng Elementarya siya ay naging Valedictorian at nang Junior High School siya ay naka-kamit ng mataas na karangalan na may general average na 98-100. Sa Chicago nais ipagpatuloy ni April ang kanyang pag-aaral. Ito ang naging dahilan upang ibahagi niya ang kanyang mga natamong medalya sa pamamagitan ng post sa Facebook.




Ayon sa isang panayam niya sa isang author:
“I posted it po kasi hindi ko na po sila madadala dito sa Chicago. I posted din po kasi wherever I may go, they will serve as a reminder that there was a time in my life that I have received those achievements. For whatever achievements I have, they are the fruits of sacrifices, perseverance, and undying determination, believing that for every drop of tears I shed, for every defeat I suffered there is more than equal reciprocation,”


Bukod pa sa mga nakuha niyang karangalan sa paaralan, sumasali din siya sa mga beauty contest at siya ay nananalo. Siya ay nanalo bilang Lakambini ng Wika, Miss A1, Miss United Nations, at Miss Earth. Tunay na nakaka-bilib ang naipong mga karangalan ni April. Ayon pa sa kanyang guro ay talagang magaling siya sa bawat subject na kanyang inaaral. Nagpapasalamat din si April dahil naging inspirasyon siya sa maraming tao.





error: Content is protected !!