Michael de Mesa at napakagandang misis nito ipinagdiwang ang ika-18 nilang anibersaryo bilang mag-asawa!



Walang perperktong relasyon o maging perperktong pagsasama. Walang magkasintahan o mag-asawa ang hindi nagkakaroon ng hindi pagkakaintindihan, alitan, o pagsubok. Kung ang ibang mga mag-asawa o magkasintahan ay agad na naghihiwalay kung mayroong mga ganitong bagyo o pagsubok sa buhay, mayroon namang ginagamit itong pundasyon upang mas maging matibay pa ang kanilang pagsasamahan na talaga namang nagigin dahilan upang mas maging matatag pa ang kanilang relasyon.


Isa na nga sa mga kilalang personalidad na nakaranas nito ay ang batikang aktor na si Michael de Mesa at ang misis nito na si Julie Reyes-Eigenmann. Kilala man siyang kontrabida sa pelikula at telebisyon ay i a naman siyang tao sa likod ng kamera. Ang kaniyang misis ay dating miyembro ng “Hotlegs”. Biniyayaan sila ng anim na mga anak at limang mga apo.




Ang 13 taon na agwat nila sa isa’t-isa ay hindi naging hadlang sa kanilang masayang pagsasamahan. Marami silang kinahihiligan bilang mag-asawa tulad na lamang ng pagbibiyahe sa iba’t-ibang panig ng mundo, mga masasarap na pagkain at pag-eehersisyo. Pareho din silang sumusuporta sa kani-kaniyang hilig ng bawat isa, si Michael sa kaniyang pag-arte at si Julie sa kaniyang pagsasayaw.


Taong 2010 naman ng napagdesisyunan nila na manirahan na sa Estados Unidos upang magsimula ng bagong buhay malayo sa gulo at ingay ng show business. Bumalik sila sa Pilipinas ng 2015 upang personal nilang masaksihan ang paglaki ng kanilang mga apo at balikan din ang mga bagay na gustong-gusto nilang gawin.



Ayon sa ABS-CBN, mayroong mga naging problema sina Michael at Julie sa kanilang relasyon noon. Minsan na siyang ikinasal sa mahusay na aktres at direktor na si Gina Alajar 23 taon bago ma-annull ang kanilang kasal noong 2006. Mayroon din silang tatlong anak na katulad nila ay nasa show business na din. Sadyang nakakamangha ang kanilang pagmamahalan sa isa’t-isa na nalampasan ang lahat ng pagsubok na dumating at dadating pa sa kanilang buhay ng magkasama.