Paglubog ng paa sa tubig na may Apple Cider Vinegar, napaka-bisang lunas sa sakit at nakaka-tanggal ng kalyo sa paa



Ang kalusugan ay ang pinaka-mahalagang kayamanan sa bawat taong nabubuhay sa mundo. Kahit gaano ka kayaman, kung hindi mo naman inaalagaan ang iyong katawan, mababalewala din ang pinaghihirapang pangarap. Ang pagkakaroon ng maayos na kalusugan ang makapag-bibigay ng maraming oras para sa mga mahal sa buhay.


Marami na tayong mga naririnig na mga natural na pamamaraan sa pag-iwas sa sakit. Isa na dito ang pag-inom ng Apple Cider Vinegar. Ginagawa ng ilang tao ay umiinom ng maligamgam na tubig na may isang kutsarang Apple Cider Vinegar. Dahil hindi maganda ang lasa nito, ang iba ay naglalagay ng isang kutsarang honey upang makayang inumin ang ginawang halo.




Mabuti ang Apple Cider Vinegar sa ating digestive system. Tinutunaw nito ang mga ‘fats’ na naiwan sa katawan at para din magkaroon ng magandang metabolismo. Karaniwan ding ginagamit ito sa pagpapa-payat. Ugaliin lamang na ito ang unang iinumin sa umaga. Pero alam niyo bang may isa pang paraan ng paggamit ng Apple Cider Vinegar? Ito ay sa pamamagitan ng pagbabad ng ating paa sa mainit na tubig at Apple Cider Vinegar.


Ang ating mga paa isa sa mga pinapasukan ng mikrobyo at bakterya. Dito minsan nagmumula ang ilang sakit. Sinasabi rin ng ilang mga Physical Therapist na konektado ang ating mga paa sa mga ilang internal organs. Sinasabing kayang gamutin ng Apple Cider Vinegar ang ilang mga karamdaman sa Respiratory at Digestive System sa pamamagitan ng pagbabad ng paa sa tubig na may Apple Cider Vinegar. Ang dapat lamang gawin ay magpa-init ng tubig na kakayanin ng paa. Lagyan ng isang basong Apple Cider Vinegar at haluin. Kung hindi kaya ang amoy, lagyan ng Lavender Oil. Kung makakaya naman ay pwede ng wala. Ibabad ang paa sa palanggana ng 30 na minuto at mararamdaman ang kaginhawaan pagkatapos.


Bukod pa dito ay mabisang pagtanggal ng kalyo sa paa ang Apple Cider Vinegar. Ibabad lamang ang paa sa mainit na tubig na may apple cider vinegar na kasing dami rin ng tubig. Ibabad ng 45 na minuto at pagkatapos ay kuskusin ang mga kalyo sa pamamagitan ng pumice stone.






error: Content is protected !!