Janina Raval, anak ng action star na si Jeric Raval binighani ang publiko sa kaniyang angking kagandahan at karisma sa “KapareWho” segment ng “It’s Showtime”



Madalas ba ninyong marinig ang mg salitang “Like Father, Like Daughter”? Kahit naman sa mga panahon natin ngayon na puro magagandang gadgets at teknolohiya na ang naglilipana ay hindi pa rin natin ipakakaila na isa ito sa mga popular na kasabihang ating naririnig sa marami lalo na sa mga nakatatanda. Tunay ngang mayroon talagang mga namamana ang mga anak sa kanilang mga magulang. Sa katunayan ay marami talagang mga bagay ang maaaring makuha ng isang anak sa kaniyang magulang, ng isang anak sa kaniyang ina o ng anak sa kaniyang ama.



Ang mga anak na babae ang kadalasang naihahalintulad sa kanilang mga ama. Marahil ay sa pisikal na kaanyuan, talento, o di kaya naman ay sa husay at galing na taglay nila sa isang bagay. Talaga nga namang nakakatuwang makita ito sa mga anak na babae at ama ng tahanan. Kahit pa nga sa mga kilalang personalidad ay nakakaranas din naman ng ganito. Kagaya na lamang ng mag-amang Jeric at Janina Raval.



Kamakailan nga lamang ay sinorpresa ni Janina ang maraming mga manunuod ng It’s Showtime ng siya ay naging kalahok sa isang sikat na segment nito, ang “KapareWho”. Kadalasan itong sinasalihan ng mga lalaki at babae na walang asawa o nobyo edad 40 pataas. Ngunit tuwing Biyernes ay nagkakaroon sila ng espesyal na edisyon at isa na nga rito ang pagtatampok sa ilang mga kabataan tulad na lamang ni Janina.

Marami ang nabighani at namangha sa kagandahang taglay ni Janina. Siya ay tunay na mayumi at marahan sa kaniyang pananalita at talaga namang kinagiliwan ng marami, kahit pa nga ng isa sa mga regular host ng It’s Showtime na si Ryan Bang. Hindi mapigilan ni Ryan ang sarili na mabighani sa ganda ng dalaga. Lalo na at ilang taon na rin siyang walang nobya at nagbabakasakali siyang makakilala na ng magiging kasintahan kahit pa nga hindi siya isa sa mga lalaking kalahok ng nasabing segment.



Tuwang-tuwa ang publiko maging ang mga naging kalahok sa nasabing segment. Sadyang napakaganda at napakayumi nga talaga kumilos ng anak ni Jeric Raval. Tiyak na mayroon siyang kalalagyan sa industriya ng show business sa mga susunod na panahon.





error: Content is protected !!