Ikinatuwa ng marami ang engagement ng The General’s Daughter Star na si Angel Locsin at nobyo nitong si Neil Arce!



Higit isang taon na ngang magkasintahan ang aktres na si Angel Locsin at movie producer na si Neil Arce at kamakailan lamang ay ginulat nila ang marami dahil sa kanilang napipintong pagiisang-dibdib. Ibinigay ng aktres ang kaniyang pinakamatamis na “Oo” sa kaniyang nobyo matapos nitong sorpresahin siya ng kaniyang wedding proposal. Sa social media ng dalawa nalaman ng publiko ang magandang balitang ito.



“I said ‘yes’!” ito ang sabi ni Angel Locsin na mayroon pang heart emoji sa kaniyang post. “Thank you for allowing me to be with you, take care of you, and most of all, love you for the rest of my life,” ito naman ang pahayag ng kaniyang nobyo na si Neil Arce. Maraming mga tagahanga at tagasuporta ng dalawa ang talaga namang nasiyahan at natuwa sa panibagong yugto ng buhay ng dalawa. Sa naunang mga panayam sa aktres na si Angel Locsin ay naibahagi nito na nagsimula muna sila bilang magkasintahan bago sila naging matalik na magkaibigan ng halos isa at kalahating dekada.


Ito ang naging pahayag ni Angel Locsin:
“Si Neil, seven, eight years kaming magbarkada bago napunta sa ibang chapter. ‘Yong mga bagay na, before, natatakot akong gawin kasi alam mong magiging malaking issue; sa kanya, hindi. And ako rin sa kanya. Gusto mong gawin? Go, nandito lang ako, nakasuporta sa ‘yo kahit na anong mangyari’.” Talaga namang nakakatuwang malaman na ikakasal na ang aktres na si Angel Locsin sa kaniyang nobyo. Maraming mga tagahanga at tagasuporta nila ang hindi na makapaghintay sa nalalapit nilang pag-iisang dibdib. Maraming mga netizen din ang natuwa at naligayahan sa magandang balita na ito ng magkasintahan.


Bagamat hindi madali ang buhay may-asawa ay isa itong biyaya mula sa Maykapal. Marami mang mga pagsubok at pagbabago na kaakibat ito ay tiyak na mas magiging masaya sila sa panibagong yugtong ito ng kanilang buhay.






error: Content is protected !!