Isang may kapansanan na asong ligaw binigyan ng isang “improvised wheelchair” ng police chief ng Bukidnon!



Si Tiger ay isang ligaw na aso na mayroong kapansanan na hindi na makakatakbong muli dahil sa hindi na muli pang maigagalaw o maitatakbo ang kaniyang dalawang paa sa likuran higit sa isang buwan na ngayon. Muli noon ay palagi na niyang hinihila ang kaniyang mga paralisadong paa habang naglalakad o di kaya naman ay tumatakbo sa mga kabahayan sa Kalilangan, Bukidnon. Tiyak na marami ang makakaunawa sa hirap ng pinagdadaanan ng kawawang aso lalo na at hindi na niya magawa na maigalaw pa ang kaniyang mga paa.


Buti na lamang at mayroong nakapansin sa kaniyang sitwasyon at gumawa ng paraan upang matulungan ang kawawang aso. Isang Police Captain na nakilala bilang si Police Captain Patrick dela Cruz ang nagkusa na tumulong sa aso at mabigyan ito ng isang improvised wheelchair. Siya rin ang acting chief ng Kalilangan Municipal Police Station.




Ang nasabing improvised wheelchair ay gawa sa ilang piraso ng PVC water pipes, goma, gulong ng lumang stroller, at kagustuhang tumulong. Ibinahagi naman ang kwento na ito sa Facebook page ng estasyon ng pulis noong Hulyo 3. Narito ang naging caption nila sa kanilang social media post:
“The improvised wheelchair helps the dog not only physically but also psychologically, because with the wheelchair, Tiger is no (longer) incapacitated.”


Mayroon ding isang netizen na gumawa ng video kung paano nilagyan ng nasabing wheelchair ang aso at kung paano nasuportahan muli nito ang kaniyang likuran. Talaga namang marami ang naantig sa napanuod na videong ito ng aso.



Buti na lamang at mayroon pa ring mga tao na mayroong busilak na puso upang magbigay ng tulong sa isang hayop man o sa isang tao. Talaga namang inspirasyon sila sa maraming mga Pilipino at sa mga tao na hindi namimili ng tutulungan. Nawa ay marami pang mga tao ang magkaroon ng pagkakataon na makatulong at makagawa ng magaganda at mabubuting mga bagay para sa marami pang mga tao at mga hayop sa iba’t-ibang panig ng mundo.




error: Content is protected !!