Naglalako ng ‘Tuhog-tuhog’, walang ligtas ang mga sosobra ng tuhog dahil sa nakalagay na CCTV Camera



Marami na ang nakapag-sabi na malaki ang kinikita sa pagtitinda ng mga fishball, kikiam, kwek-kwek, squid balls, hotdog, at marami pang iba. Ang pagtitinda ng ‘tuhog-tuhog’ ay masasabing maliiit lang kinakailangang kapital upang masimulan ang negosyo. Pero pag kumita naman at dinumog ng parokyano, siguradong malaki ang mababalik. Mura man ang mga panindang ito, may mga ilang nakaka-lusot sa pagtuhog ng mga kinakain at sinosobrahan. Siyempre, sa dami ng taong tumutuhog ay di na masyadong napapansin ng nagtitinda kung gaano karami ang nakuha at nagaantay na lamang ng bayad.


Isang kakaibang tindahan ng fishball ang namataan ng mga netizens. Sa pagkakita na ang naglalako ng tuhog-tuhog ay may naka-install na CCTV Camera sa kanyang kariton. Ang Food Cart na ito ay matatagpuan sa Blumentritt, Manila. Ang nakuhanang mga larawan ay nag-viral. Kung iisipin nga naman, sa ganitong negosyo ba ay kailangan bang gumastos pa ng ganitong seguridad? Kung tatanungin ay may kamahalan ang pagbili ng CCTV. Nangangailangan din ito ng internet at power supply. Kung kailangan ng internet, malamang ay may pocket wifi pa ito na kailangang lagyan ng load. Bukod pa sa kamahalan ng CCTV, kapag may bibili dito na mga kostumer, hindi maiiwasan na sila ay mailang sa pagiisip na pinapanuod sila habang kumakain.




Ano kaya ang pinaka-dahilan kung bakit naglagay ng CCTV?
Maaring may mga pangyayaring naganap ng mga nakaraan nilang mga pagtitinda na naging dahilan sa paglagay nila ng ganitong seguridad. Maari ding naisipan lamang na mas mainam kung nasusubaybayan ng may ari ang mga nilalakong tindahan nila. May mga naglalako kasi ng mga ‘tuhog-tuhog’ na hindi sila ang may-ari at swelduhan lamang sila o porsyentuhan. Ito ay para ma-monitor ang kanilang mga negosyo.


Gayon pa man, mas marami pa ring netizens ang natuwa sa kakaibang tindahan ng tuhog-tuhog. Inulan ito ng samut-saring komento at reaksyon. Malamang ay walang ligtas ang mga sosobra ng tuhog dahil nasusubaybayan ng CCTV ang bawat pagkuha ng fishball, atbp.





error: Content is protected !!