Iniiwan ng babae na ito ang kaniyang pangbayad sa kuryente sa labas ng kanilang tahanan dahil sa diumano ay ligtas ito dito!



“Honesty is the best policy”, isa ito sa mga pinakapopular na mga kasabihan na madalas nating naririnig sa ating mga magulang, mga kaibigan at kamag-anak. Sa napakaraming bilang ng mga tao sa buong mundo, tunay nga na napakahirap malaman kung sino ang totoong tapat at kung sino ang mga taong nagpapanggap at nagsisinungaling lamang. Isang balita kamakailan lamang ang naging usap-usapan ng publiko dahil napakagandang kwento at inspirasyon ng katapatan. Sa kumakalat na mga larawan sa social media ay makikita ang isang larawan ng plastik na nakatali sa isang kuntador at mayroong laman na pera sa loob nito.


Mayroon pang caption ang nasabing larawan na ganoon talaga ang mga taong naninirahan sa Batanes na iniiwan na lamang ang mga bayad nila sa kuryente sa labas ng kanilang mga tahanan at hinahayaan nila na ang mga kolektor na lamang ang kumuha ng mga ito. Matagal na itong nakagawian ng mga tao sa Batanes at talaga namang sinubok na ito ng panahon.




Ang kilalang “Honesty Coffee Shop” nga ay dito din matatagpuan. Hindi lamang ito ordinaryong coffee shop dahil sa walang tao na nagtitinda o nagbabantay dito. Hinahayaan ng may-ari ng coffee shop na ito na laging bukas ang nasabing tindahan para sa mga customer na nagnanais na pumasok at bumili dito at bayaran ang kanilang mga binili ng naayon sa tamang presyo nito. Kukuha ka lamang ng iyong kailangan at ihuhulog mo ang iyong bayad sa mga kahon. Ito ay pagmamay-ari ng mag-asawa na sina Jose at Elena Gabilo, ang Honesty Coffee Shop ay naging destinasyon na ng maraming mga turista sa Batanes lokal man o hindi. Kung puro papuri ang isinasalarawan natin sa mga tao sa Batanes, tila kabaligtaran naman ito ng ilang mga tao sa Metro Manila dahil noong Setyembre ng 2018, ang Manila Police District (MPD) ay nagbukas ng sarili nitong bersyon ng Honesty Coffee Shop ngunit makalipas lamang ng anim na buwan na operasyon ay nagsara na ito dahil na rin sa pagkalugi at kawalan ng pinansyal dahil sa mga hindi tapat na customer.


Talaga namang nakakalungkot isipin na mayroong mga tao na hindi tapat at basta basta na lamang kumukuha ng mga bagay na hindi naman sa kanila ng walang bayad.





error: Content is protected !!