Melai Cantiveros at Jason Francisco hinamon si Dra. Vicki Belo na kumain ng mga street foods tulad ng isaw, balot, Adidas, kwek-kwek at iba pa!



Kamakailan lamang ay talagang kinagiliwan ng publiko ang nakakatuwang video ng Melason kasama si Dra. Vicki Belo. Dumalaw kasi ang celebrity couple sa kanilang ninang sa kasal na si Dra. Belo upang hamunin ito na kumain ng mga pagkaing tiyak na hindi pa niya nakakain kahit kailan.



“Doktora eto na nga ang mangyayare saaten ngayon, kasi dinala talaga namen eto para ichallenge ka Doc.” Pahayag ni Melai.

Ilan nga sa mga ito ay ang “squid balls”, kikiam, kwek-kwek, balut, penoy, mga inihaw tulad ng betamax, isaw, adidas at marami pang iba. Sinubukan naman ni Dra. Belo na kainin ang mga street foods tulad ng “squid balls”, kikiam, kwek-kwek, penoy at isaw.


Noong una ay game na game pa si Dra. sa mga pagkaing pinapakain sa kaniya ng mag-asawa ngunit nang ipakita na sa kaniya ang adidas o ang paa ng manok ay talagang sinabi nitong hindi niya ito kayang kainin pa.



“This looks really scary. Oh no I really cannot do this. I’m sorry ikaw na lang for me. No, I cannot. It’s so scary it looks like a claw it looks like a hand.” Pahayag ng celebrity doctor.


“To the rescue” naman ang kaniyang mister na si Hayden Kho. Habang kumakain sila ay nagkakaroon ng ilang mga tanong para sa mag-asawang Hayden at Vicki. Nagbabahagi din naman ng kanilang mga sagot ang tambalang Melason.

Talaga namang maraming mga netizens ang nakapansin na simple at totoong tao si Dra. Vicki Belo sa kabila ng pagiging matagumpay at mayaman nito. Mapalad din ang kaniyang mister na si Hayden Kho dahil sa kabila ng naging nakaraan nilang dalawa ay tanggap siya ng buong-buo ng kaniyang kabiyak.

Tunay nga na hindi madali ang pagpapanatili ng isang relasyon lalo na sa ngayon na napakaraming mga pagsubok at alalahanin na maaaring kaharapin ng mag-asawa sa araw-araw.




error: Content is protected !!