Siya si Ayeesha Therese Daniella Cervantes ang diumano ay look-alike ng Kapamilya actress na si Kathryn Bernardo!



Tunay nga na sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo ang isa sa pinakamahuhusay na tambalan ng kanilang henerasyon ngayon. Isa rin sila sa pinakaaabangan ng maraming mga tagahanga at tagasuporta nila sa ngayon. Talaga namang hindi maipagkakaila ang kanilang chemistry sa harap at likod ng camera. Ang kanilang tambalan ay kilala sa taguring “KathNiel”, na pinagsamang pangalan ni Kathryn at ng ni Daniel sa iisang salita.


Kamakailan lamang ay naging usap-usapan nga ang isang rookie actress nc GMA network dahil sa labis na pagkakahawig nito sa Kapamilya star na si Kathryn Bernardo. Ang mas nakakamangha pa rito ay katulad ni Kathryn, maamo din ang kaniyang mukha at inosenteng tingnan. Ang 17 taong gulang na dalagang ito mula sa GMA network ay nadiskubre at agaran din namang binigyan ng maraming mga proyekto.




Marami na rin siyang ginampanan na mga karakter at talaga namang marami ang humanga sa kaniya. Siya ay nakilala bilang si Ayeesha Therese Daniella Cervantes. Talaga namang mabibighani ka sa mala-anghel niyang mukha at nangungusap na mga mata. Gumanap na siya bilang si Tak sa palabas na Mulawin versus Ravena, Leila sa Haplos, Tetay sa Kambal Karibal, at Wendy sa Super Ma’am.


Umaasa ang kaniyang mga tagahanga at tagasuporta na mas madalas pa nila makikita ang kanilang iniidolo sa mga programa at proyekto sa telebisyon o sa mga pelikula. Tunay ngang isa siya sa mga maaaring maging pinakasikat na mukha sa industriya ng show business.



Hindi lahat ng mga tao lalo na ng mga kabataan ay ang nabibigyan ng pagkakataon na maging parte ng industriya ng show business. Sila ay nagiging malaking inspirasyon para sa maraming mga tao at mga kabataan na magpursige sa buhay upang makamit ang kanilang pinapangarap sa buhay.


Hindi lamang kagandahang pisikal o panglabas na anyo ang mayroon siya kundi nakakamanghang talento at galing sa napili niyang larangan.




error: Content is protected !!