Ion Perez at Ryan Bang, nakitang nagbabantay kay Vice Ganda sa ospital

Ang kilalang artista, komedyante, TV host na si Vice Ganda ay hindi nakikitang aktibo ng ilang araw sa noontime show na “It’s Showtime”. Ito ay dahil na-ospital si Vice Ganda sanhi ng LBM at palaging pagsusuka.

Isa si Vice Ganda sa hinahanap ng mga manunuod dahil sa galing niya sa pag-host at pagpapatawa. Kumbaga, malaking epekto ang presensya niya sa mga manunuod sa pagbibigay kaligayahan. Marami ang nabahala sa naging kalagayan o nangyari kay Vice Ganda. Buti na lamang ay mayroon siyang mga kaibigan na tumutulong sa kanya na mapabuti ang kalagayan. Kabilang na dito si Ion Perez.

Pero bukod sa mga matatalik na kaibigan, ang mga mahal sa buhay ang mga tumututok sa pagaalaga kung sakaling magkasakit man. Matatandaan na nagsabi si Ion Perez sa publiko na mayroong espesyal na relasyon silang dalawa. Bagamat hindi pa kumpirmado na sila na talaga, todo-suporta pa rin ang ibinibigay ng mga tao sa kanila. Dahil parehas silang nagkakasama sa trabaho, marahil ito ang naging dahilan upang umusbong ang kanilang samahan.

At dahil na-ospital si Vice Ganda, nakita na isa si Ion Perez sa mga nagbabantay sa kanya sa ospital kasama ang isa pang host na si Ryan Bang. May video din ang nakuhanan kung saan ay nagpa-ultrasound si Vice Ganda na naging dahilan upang mabahala ang mga fans sa kalagayan niya. Dahil sa larawang nakita sa pagbabantay ni Ion Perez, maraming fans ang nagsabi na masaya sila sa pagpapakita ni Ion Perez ng kanyang pagalala kay Vice Ganda.

Ito ang ilan sa mga komento na sinabi ng mga netizens sa litrato ng pagbabantay nila Ion Perez at Ryan Bang kay Vice Ganda:

“That’s true love,together in good times & bad times.”, “One of the best times Ion could show his love for Vice who is s!ck!!! Feel better soon, Vice!” “saludo ako sayo ion..pinadama mo at pinakita na mahal mo c meme vice.”, “Get well meme and I salute to both of you Mr. Perez and Ryan bang”

Nanumbalik naman ng mabuti ang nararamdaman ni Vice Ganda at makikita at magpapasaya muli sa noontime show na “It’s Showtime”.



Reply

error: Content is protected !!