Jessy Mendiola, nagpaunlak ng tour sa loob ng kaniyang napakagandang bahay kasabay ng pagsagot sa ilang mga katanungan para sa kaniya!

Ang aktres na si Jessy Mendiola ay nagbahagi ng sa kaniyang YouTube channel ng pasilip sa kaniyang napakagandang tahanan. Napansin din ng maraming mga netizen na ang nilalaman ng kaniyang vlog ay mayroong malaking pagkakatulad sa “Vogue’s 73 questions with Hollywood Stars”. At ang isa nga sa pinakapaboritong video ng mga netizen mula sa Vogue ay ang 73 questions with Kim Kardashian West.

Sa kaniyang pinakabagong vlog, pinaunlakan ng aktres ang kaniyang mga tagahanga at tagasubaybay kasabay pa ng pagsagot sa ilang mga katanungan para sa kaniya. Ang kaniyang kapatid na si Megan ang nag-co-design ng interyor ng kaniyang tahanan.

Sa kaniyang video, ipinakita niya ang kaniyang maluwag na unit na mayroong tema na puti at asul, isang motif na talaga namang maihahalintulad mo sa karagatan at tanging mga tao na mahilig sa tubig o dagat ang magnanais nito sa kaniyang tahanan. Hilig niya ang “diving” at mayroon din siyang “whale tattoo” sa kaniyang kamay.

Habang sumasagot siya sa ilang mga tanong ay ipinasilip niya rin sa marami ang kaniyang “dining area” at gayundin ang kaniyang “fridge” na ang pinakaborito niyang laman sa lahat ay ang kaniyang mga kahon ng tsokolate. Ngunit ang pinakaayaw naman niyang pagkain ay ang talong na talagang hindi mo matatagpuan sa kaniyang refrigerator.

Ipinakita rin niya ang kaniyang “walk-in closet” at ang kaniyang napakalaking shoe rack na talaga namang punong-puno ng mga magagandang sapatos. Sumagot siya ng 48 na mga tanong habang lumilibot sa kaniyang tahanan. Ang kaniyang YouTube channel ay nailunsad noong Disyembre 2018 na mayroong mga videos patungko sa kaniyang fitness story hanggang sa kanilang buhay pag-ibig ng kaniyang longtime boyfriend na si Luis Manzano.

Talaga nga namang nakakamangha ang napakagandang tahanan na ito ni Jessy Mendiola. Hindi lamang siya maganda at mahusay na aktres kundi isa rin siyang kahanga-hangang babae na isang inspirasyon para sa maraming mga kababaihang Pilipino ngayon.



error: Content is protected !!