Batang naglalaro ng basketball na suot ay black shoes, hinanap at binigyan ng bagong rubber shoes

Sikat ang larong basketball sa bansa. Marami ang nagsasabi na likas sa mga Pilipino ang paglalaro at pagmamahal sa sports na ito. Sa paglalaro ng basketball ay nagiging masigla ang pangangatawan dahil sa pagpapawis at nagkakaroon din ng pagkakataon na maka-kilala ng ibang tao o kaibigan. Sa basketball, ang tanging susi para manalo ay pagtutulungan. Kaya ang bawat miyembro ng kupunan ay may kanya-kanyang mga gampanin pagdating sa court. Itinuturo din sa larong ito ang disiplina sa sarili dahil hindi sa lahat ng pagkakataon ay nananalo.

Maraming kabataan ngayon ay nahihilig sa paglalaro ng basketball. May mga bata pa nga na kapag gumalaw na s court ay akala mong matanda na kung dumiskarte. Pero kinakailangan ng wastong kasuotan sa paglalaro ng basketball at mahigpit na ipinapatupad ito kung sakaling may liga.

Pero mayroong isang post na umantig sa puso ng maraming netizens. Dahil isang bata na sumali sa liga ay nakasuot ng black shoes at hindi rubber shoes. Sa pagkaawa sa litrato, isang mabuting loob na tao na sa pangalan na Lyndon Miclat ang tumulong upang hanapin ang batang ito upang bigyan ng rubber shoes.

Ayon sa post ni Lyndon Miclat:
“Sabi ko naman sayo hahanapin kita eh. Proud ako sayo dahil kahit wala kang sapatos gustong gusto mo padin maglaro kaya mo sinuot black shoes mo. Napasaya sana kita sa munting regalo ko sayo at ayusin mo sana pag-aaral mo lalo. Dalawang araw ka naming hinanap sa social media, maraming salamat po sa lahat ng tumulong mag-hanap.

Sana this time pag may sobra tayo matuto din tayong ibahagi natin sa iba. Blessings are from God. Ibalik natin sakanya. ,” Nang matanggap na ng bata ang bigay na rubber shoes. Nagpasalamat siya sa pamamagitan ng kanilang private message o PM.

Sa isa pang post ni Lyndon Miclat, ibinahagi niya ang nadamang kasiyahan sa pagtulong:
“Salamat po kuya sobrang saya ko po…”

“Ang puso ko ay biglang sumaya. Sabi ko naman sayo hintayin mo ngayong araw sapatos mo eh, sa wakas dumating din! Godbless you even more Mathew! 🤗
HINDE NA SYA NAKA BLACK SHOES, MARAMING SALAMAT NAHANAP NATIN SYA”

 



Reply

error: Content is protected !!