Mga larawan ng pamamasyal ni Maymay Entrata, hinangaan dahil sa kagandahan at mala-modelong katawan

Wala ng mas masaya pa sa isang bakasyon kung kasama mo ang iyong mga mahal sa buhay. Kaya nga sa bawat pinupuntahang mga bakasyunan, nagiipon ng alaala sa pamamagitan ng pagkuha ng mga litrato.


Katulad na lamang ng pamamasyal ni Maymay Entrata kasama ang mga mahal niya sa buhay sa Tuasan Falls sa Camiguin. Pero mas marami ang nabighani sa larawang ipinakita niya dahil pang modelo talaga ang postura ni Maymay Entrata. Makikita din sa ilang larawan na kasama niya ang kanyang lola.

Si Mary Dale Entrata o mas kilalang Maymay Entrata ay ipinanganak noong ika-6 ng Mayo taong 1997. Isa rin siyang singer, aktres, at modelo. Siya ay nanalo din sa sikat na reality TV show na “Pinoy Big Brother” sa ABS-CBN. Siya rin ang pinaka-unang pinay na naging modelo na naka-walk sa Arab Fashion Week.


Bukod sa kagandahan niya, mas kapansin-pansin pa rin ang pagiging masayahin niya na nakita na rin ng siya ay nasa loob pa lamang ng “bahay ni kuya”.  Kaya hindi maiwasang bigyan ng magagandang komento ang mga litrato sa pagkabighani sa kagandahan ni Maymay Entrata.


Ito ang ilan sa mga komento:

“Kakaproud yong taong halos lahat ng panlalait naitapon na sa kanya ng mga dakilang ba$hers niya pero ito na xa ngayon hindi lang pang model kundi tinatahak na ang international World model Godbless maymay!”


“simple photo of #MaymayEntrata gone viral ang ganda mo naman kasi baby girl ”, “Whahaha grabe ka mayang umupo ka lang sa bahoy trending ka na , iba ka talaga kahit di mo kasama si Edward binubulabog kami”, “Pang modeling material tlga c #Maymay ang lakas ng dating pagdating sa pagmomodel tong bayang to…..iba tlga ang charisma ….legs pa lang nakakaakit nah….continue to shine in showbiz baby girl…”, “Grabe c marydale entrata nagpasabog ng kagandahan at kaseksihan”, “Ganda at sexy ni marydale binulabog nya ang ig sa kaseksihan lalo na cguro kung naka swimsuit baku 1m views agad agad ha ha”



Reply

error: Content is protected !!