Nakakalungkot isipin na inulila ng isang ina ang kaniyang asawa at anak dahil lamang sa hindi nila inaasahan na pangyayari!

Isa sa pinakamagandang biyaya ng Panginoon ay ang pagkakaroon ng supling ng dalawang tao na nagmamahalan ng lubos. Ngunit paano nga ba kung ang magiging dahilan mismo ng pagkawala ng iyong minamahal ay ang bunga mismo ng inyong pagmamahalan? Tunay ngang hindi madali ang pagbubuntis o ang pagdadalang-tao lalo’t higit ang panganganak kung saan sinasabi nga ng marami na ang kalahati ng iyong paa ay nasa hukay na.

Kamakailan lamang ay naantig ang puso ng maraming mga netizen ng ibahagi ng isang mister ang kwento ng kanilang pamilya na ngayon ay nangungulila na sa kanilang ilaw ng tahanan dahil sa pagkawala nito. Naging usap-usapan sa social media ang nakakalungkot na kwento ni Mathew Velarde at ng kaniyang misis na si Aby.

Pumanaw si Aby matapos niyang manganak sa pamamagitan ng “caesarean delivery” sa kanilang unang anak ni Mathew. Sa Facebook page na “Drama mo” ibinahagi ang kwento na ito ni Mathew at ng kaniyang asawa, mayroon itong caption na “Napakasakit lang isipin na lalaki nang walang nanay si baby. Pakatatag kuya pati ikaw baby Fayette. True love never d!es.”


Ayon sa kwento ni Mathew, nakaranas ng pagdurugo si Aby matapos maipanganak ang sanggol at kinailangan niyang sumailalim sa isang blood transfusion. Nagkaroon din si Aby ng tubis sa kaniyang baga na nakapagpalala pa ng kaniyang kondisyon. Matapos naman ang dalawang linggo ay pinauwi na rin sila.

Inakala nila na maayos na ang lahat ngunit hindi pa rin pala magaling at hindi pa nakakarekober si Aby. Mayroon pang mga pagkakataon na nahimatay si Aby habang buhat ang kanilang anak. At kalaunan nga ay isinugod na nila ito sa ospital at doon na binawian ng buhay.


Maraming mga netizen ang nagbigay ng kani-kanilang pakikiramay, at mga dasal sa pamilyang ito. Nawa ay patuloy silang magkaroon ng lakas ng loob na harapin pa ang bawat hamon at pagsubok ng buhay na kanilang pagdaraanan kahit pa wala na ang kanilang ilaw ng tahanan.



Reply

error: Content is protected !!