Isang dalagita ang nagsusumikap na magtinda ng lumpia upang mayroon siyang pangtustos sa kaniyang pag-aaral na hinahangaan ngayon ng publiko!

Hindi na bago sa ating mga Pilipino ang pagpapahalaga natin sa edukasyon. Dahil marahil ito sa mga bata pa lamang tayo ay talaga namang naitatak na sa ating mga murang kaisipan na edukasyon ang maaaring maging susi natin sa pag-angat at pagtatagumpay sa buhay. Kung pag-iigihan natin ang ating pag-aaral ay tiyak na mayroon tayong mararating sa buhay at magiging matagumpay tayo.


Hindi na nga nakapagtataka na ang dalagita na ito ay hinahangaan ng marami dahil sa angkin niyang kasipagan hindi lamang sa kaniyang pag-aaral kundi dahil na rin sa kaniyang determinasyon na makapagtapos ng pag-aaral kahit pa siya mismo ang gumawa ng paraan upang magkaroon siya ng panggastos sa kaniyang araw-araw na pagpasok sa eskwela ayon ma rin sa Facebook post nina Sherydy Turalba” at Sabina De Vera. Siya ay nakilala bilang ang Grade 12 student na si “Sarah” na kanilang schoolmate na nakuhanan nila ng larawan habang nakasalampak ito sa sahig ng pasilyo ng paaralan at itinitinda ang lumpia sa mga kapwa niya mag–aaral.


Ito ang naging caption ni Turalba sa kaniyang ibinahaging post: “Nakaka–inspire si Ate. Gumagawa siya ng paraan para makaraos siya at para maka–graduate. Nakatira po si Ate Sarah sa Aliaga, at sa Talavera National Highschool po siya nag–aaral. Sa simpleng pagbili lang natin ng lumpia, malaki na yung maitutulong natin sa kanya. Grade 12 na daw po siya. Ate, kung nababasa mo man ‘to, nakaka–inspire ka. God bless you ate. Pa–share na din po, salamat!”


Hindi naman mabilang ang mga netizen na pumuri at humanga sa dalaga at narito ang ilan sa kanilang mga naging komento:

“Tiyaga lang. Tibay ng loob at kapit kay Lord. Magiging successful ka at makakamit mo lahat ng pangarap mo. God bless you.”, “Iyan ang isang halimbawa na dapat tularan ng mga mag–aaral, hindi yung puro barkada at galaan ang inaatupag. Sinisigurado kong maganda ang magiging future ng batang ‘yan at aasenso ‘yan. GOD BLESS YOU!!!”

“Sige iha, ipagpatuloy mo lang ‘yang pagtitinda mo, kahanga–hanga ka, huwag mong ikahiya dahil marangal yang ginagawa mo, may pangrap ka sa buhay. Darating ang panahong makakaahon ka rin sa kahirapan.”, “Very inspiring… God bless your good desire… in early age you know how to value the money you earned!”


Tunay ngang napakaganda niyang halimbawa para sa maraming mga kabataang Pilipino na nagpapagal at nagsusumikap ng husto sa kanilang pag-aaral kahit pa kapos sila sa buhay o mayroon silang kakulangan lalo na sa pinansyal nilang pangangailangan.



error: Content is protected !!