Wala ka kay ‘Lola Englisera’! Kahit na hindi nakapag-aral sa eskwelahan, bihasa sa pagsasalita ng Ingles!



Kilalanin ang Lola na 76 na taong gulang na taga Mt. Province, bihasa sa pagsasalita ng Ingles kahit na hindi nakapag-aral. “Wala ka sa Lolo ko” ito ang mga salitang sinasabi kapag may mga pabiro tayong sinasabi sa pagyayabang. Pero ang biro pala na ito ay minsan makatotohanan. Katulad na lamang ng isang Lola na taga Mt. Province na mahusay magsalita ng Ingles kahit na hindi nagkaroon ng wastong pagaaral.



Kilalanin natin si Lola Erlinda Doyog na 76 na taong gulang na taga-Pidlisan, Sagada. Sa isang video ay ipinamalas niya ang kanyang husay sa pakikipag-usap sa ingles sa isang turista sa kanilang lugar. Kinilala siyang Lola ‘Englisera’ dahil sa pagka-fluent niyang magsalita ng Ingles. Nakaka-mangha dahil natural sa kanya ang pagsasalita na tila ba nakapag-aral ng maayos sa eskwelahan. Ibinahagi ni Lola Erlinda ang kanilang komunidad, ang paraan ng pagtatanim, at ilang mga kinagawian sa kanilang lugar.


Namangha ang nagiinterview kay Lola Erlinda sa kanyang husay sa pagsasalita ng Ingles.

Ayon sa caption ng video:
“Nosebleed kami habang ini-interview si Lola ‘Englisera’ Erlinda Doyog, 76 years old, ng Pidlisan tribe sa Sagada, Mountain Province.”. Napagalaman na hindi nakapag-aral ng elementarya at highschool si Lola Erlinda. Malamang ay natutunan niya ang pagsasalita sa mga Misyonaryong Amerikano na nagpupunta sa kanilang lugar upang magturo at manghikayat ng Christianismo. Karamihan din sa mga matatanda sa lugar ay marunong magsalita ng Ingles at hirap naman sa pagsasalita ng Filipino.


Makikita sa video ang panghihikayat ni Lola Erlinda sa pagbisita sa kanilang lugar.



Ang sabi pa ni Lola Erlinda:
“We are very happy for the tourist coming here or any visitors because we can learn some of their dialect… We appreciate those tourist who are coming to the falls…”

Ang video na ito ay nagviral at kinabiliban ng maraming netizens. Tunay na nakaka-bilib nga naman ang kagalingan niya sa pagsasalita. Kung tutuusin ay may husay pa siya sa ibang nakapag-aral ng wasto sa mga paaralan. Marahil ay talagang nakasanayan na niya ang pagsasalita ng Ingles at malaking tulong ito upang may marunong makipag-usap sa lugar nila kapag may dumating na mga taga-ibang bansa na turista.




error: Content is protected !!