Bakasyon ni Yen Santos sa Paris upang makita ang Eifell Tower, napa-luha sa labis na kasiyahan



Isa sa mga pangarap ng bawat indibidwal ay ang makapasyal at makapag-bakasyon sa iba’t-ibang bansa. Bagamat para sa mga mayayamang tao ay madali ito, mayroong ilan na pinagsusumikapan upang maabot itong pangarap.


Tunay na magastos ang magpunta sa ibang bansa. Sa paglakad pa lamang ng papeles at mga kinakailangan upang makaalis ng bansa, nangangailangan na kaagad ng pera.  Siyempre, walang imposible sa taong nagsusumikap. Kung ito ang iyong pangarap, magsipag at mag-ipon upang masakatuparan ang pangarap.




Kung ikaw ang tatanungin, anong bansa ang pangarap mong puntahan? Maraming bansa ang talagang dinadayo ng mga Pinoy. Ilan sa mga malalapit na bansa na magandang puntahan ay Hongkong, Japan, Korea, Malaysia, at Thailand. Pero kung nais pa na malayo, iba ay nais ding makapunta sa America, England, Canada, Australia. Pero isa sa mga pinapangarap na puntahan na bansa ay ang France kung saan ay nandito ang Paris.


Para sa mga romantikong tao at kung pagandahan ng istraktura, ang Paris ang kilalang lugar. Katulad na lamang ng pinangarap ng Kapamilyang aktres na si Yen Santos sa pagpunta sa lugar na ito. Pinangarap ni Yen Santos ang makita at makarating ng Eifell Tower.



Sa Instagram post niya ay ibinahagi niya ang mga larawan ng kanyang bakasyon sa France. Mapapansin ang isang litrato na halos maluha siya sa sobrang kasiyahan. Marahil ay tunay na maganda ang lugar at ang kasiyahan na natupad na ang kanyang pangarap.


Ayon sa kanyang post:
“finally paris, we meet! I was literally Çrying looking at the eiffel tower! it was so much more than I dreamed it was going to be and I just couldn’t believe it was right in front of me. sarap sa feeling. Sobra!,” Sa ibang litrato naman ay ipinakita niya ang kanyang mga napasyalan at nakainang lugar.


Ito ang isa pang caption ng post niya:
“one of the best dining experiences of my life”. Ang kanyang mga post ay patunay lamang na ang kanyang pagod sa trabaho ay nasuklian at kinakailangan niya ito upang maging masaya. Karapat-dapat lamang gantimpalaan ang ating sarili sa pagsusumikap sa buhay.