Nagpakasal ang napakayamang magkasintahan na ito, humanga ang marami dahil “Boyce Avenue” ang kumanta sa kanilang kasal!



Marahil ay marami na sa atin ang nakapanuod ng “film adaptation” ng libro na pinamagatang “Crazy Rich Asian”. Kung saan ang magarbong pamumuhay ng mga bidang karakter ay talaga namang hahangaan mo at labis na kabibiliban. Ang nasabing pelikula ay nagpapakita ng maluho at magagarbong pamumuhay ng mga napakayayaman na mga Asyano. Ngunit higit pa rito ay bahagi ng nasabing palabas na “Wedding of the Year” na talaga namang labis mong kakamanghaan talaga.


Halos ang kabuuan ng nasabing pelikula ay tungkol sa napakagarbo na kasalan ng mga karakter na sina Colin at Araminta na tunay nga namang pinaka-enggrande sa lahat ng kasalan na iyong makikita.




Ang nasabing kasalan ay mayroong tema patungkol sa ating kalikasan at arkitektura na talaga namang nakakabilib at hindi pangkaraniwan. Ang nasabing kasalan ay ginanap sa isang lumang simbahan at mayroon din itong maliit na hardin.


Ang bride naman na si Araminta ay tila isang Diyosa sa kaniyang paglalakad sa tubig habang ang kanilang mga bisita ay talaga namang walang masambit sa kanilang pagkabigla at pagkamangha sa napakagarbong kasalan na diumano ay nagkakahalaga ng $40 milyong dolyar. Ngunit kung inaakala ninyo na sa pelikula lamang nangyayari ang mga ito, nagkakamali kayo.



Ang napakagandang kasalan na ito ng isang magkasintahan na Asyano o mga Pilipino ay aakalain mong isang palabas lamang ngunit ito pala ay nangyayari rin sa totoong buhay. Dahil ang singer at beauty queen na si Shirley Vy at nobyo nitong businessman na si Kevin Wong ay tila binigyan buhay ang kasal nina Colin at Araminta.


Ang nasabing magarbong kasalan ay ginanap sa National Shrine of Saint Jude sa Maynila. Mayroong sariwang mga bulaklak ang bawat pader nito at kahit saan ka tumingin mula sa loob hanggang sa labas ng simbahan ay talaga para kang nasa isang pelikula.



Ang napakagandang bride na dati ring Miss Chinatown titleholder ay naglakad patungo sa altar habang suot ang kaniyang custom-made na wedding gown na gawa ni Ellie Saab. Ito ay tinatayang nasa $7,500 hanggang $27,000. Samantalang ang kaniyang mga bridesmaid naman ay nagsuot ng mga gown na likha ng Elizabeth Hallie Designs. Dior suit naman ang suot ng napakagwapong groom.


Ang naganap naman na reception ay ginanap sa Grand Ballroom of the Solaire Resort and Casino. Ang nasabing venue ay isang Greek-inspired na hardin na mayroong dose-dosenang mga halaman. At babati sa mga panauhin ang 11-foot cake, at ang 5-meter by 29-meter giant LED screen na mayroong 580 panels.



Ang bisita ng magkasintahan upang kantahan ang mga dumalo sa kanilang enggrandeng kasalan ay ang sikat at kilalang-kilala ng lahat na Boyce Avenue na nagpamangha lalo sa mga tao na naroon dahil sa mga awitin nilang “Unchained Melody”, “Say You Won’t Let Me Go”, at marami pang iba. Maging ang Manila Philharmonic Orchestra ay nagpamangha rin sa mga panauhin sa kasalan.




error: Content is protected !!