Video ng aktres na si Jane de Leon habang ibinabalita sa kaniya na siya na ang bagong Darna umani ng samu’t-saring komento at reaksyon mula sa publiko



Ang Star Magic artist na si Jane de Leon ay naging usap-usapan ng maraming mga tao ngayong linggo dahil sa siya na ang napiling gumanap bilang bagong Darna matapos bitawan ng aktres na si Liza Soberano ang role. Nagkaroon ng injÜry sa daliri si Liza dahilan upang hindi niya na maikilos pang muli ang kaniyang daliri gaya ng dati. Bagamat naging emosyonal ang naging pag-atras ni Liza ay buong puso pa rin itong sinuportahan ng kaniyang mga tagasuporta at tagahanga.



At ngayon nga ay hindi makapaniwala ang maraming mga Pilipino at lalo na ang 20 taong gulang na aktres na si Jane de Leon na siya ang nangibabaw sa higit 200 at halos 300 mga kababaihan na nagnais din maging susunod na Pinay superhero.


Nagkaroon na rin ng ilang proyekto si Jane de Leon sa ABS-CBN ngunit hindi kasing laki ng proyekto niyang ito na Darna. Isang video ang naging usap-usapan sa social media kung saan nakuhanan ang kaniyang reaksyon habang ibinabalita sa kaniya na siya na ang nakakuha ng bigating role.


Makikitang kinakausap si Jane ng mga filmmakers at management ng ABS-CBN kabilang na ang President at CEO nito na si Carlo Katigbak, ABS-CBN Films managing director Olivia Lamasan, ABS-CBN chief content officer Charo Santos-Concio at ilan pang mga bigating boss ng nasabing network.



Tinanong ang aktres kung gaano siya ka-committed sa karakter bilang bagong Darna at walang pasubali niyang sinabi na 100 porsiyento ang kaniyang kayang ibigay para sa role na ito. Hindi na napigilan pang umiyak ni Jane sa natanggap na magandang balita. Tila hindi siya makapaniwala sa pagkakataong ibinigay sa kaniya. Ngunit buong puso niya itong tinanggap at sinabing ibibigay ang lahat para kay Darna.

Si Jane ay gumanap kamakailan lamang bilang kapatid ng karakter ni Jericho Rosales na si Lino Bartolome sa teleseryeng “Halik” bilang si Maggie. Naging miyembro din siya dati ng girl group na “Girltrends” ng “It’s Showtime”.






error: Content is protected !!