Isang lalaki ang pumukaw sa atensyon ng publiko nang siya ay sumakay sa pakpak ng umaandar na eroplano upang makalibre ng pamasahe!



Tunay ngang mahirap ang buhay sa ngayon. At talagang kahit ano ay makakaya nating gawin para sa ating pamilya. Karamihan sa atin ay nakakagawa pa ng hindi magagandang bagay para lamang matupad ang kanilang ninanais sa kabila ng kawalan nila ng pinansyal na pangangailangan.



Ito marahil ang naging dahilan ng isang lalaki mula sa Lagos, Nigeria nang siya ay walang pag-aatubili na tumalon at sumakay sa pakpak ng isang papaalis na eroplano ng Azman Airline sa runway mismo ng Murtala Muhammed International Airport.


Mayroong isang pasahero na nagbahagi ng mga larawan ng nasabing insidente at pinost ito sa Instagram. Sa ngayon ay hindi pa nakikila ang pagkakakilanlan ng nasabing lalaki na diumano ay palihim na naglakad sa damuhan upang tumalon sa noon ay papaandar pa lamang na eroplano. Mayroon pang dala-dala na bagahe ang lalaki na kaniyang umanong isiniksik sa makina ng eroplano.


Ayon naman sa naging ulat ng CNN, napansin na kaagad ng piloto ang lalaki kung kaya naman binabagalan na niya ang pagpapatakbo sa eroplano at kalaunan nga ay itinigil na niya ang makina nito.



Ngunit hindi dito tumigil ang lalaki dahil sa patuloy na nagpapaikot-ikot pa rin ito sa labas ng eroplano habang nakasuot ng gloves. Minsan pa ay sinubukan nitong pasukin ang isang engine ng eroplano at pilit na pinapasok ang loob ng cabin. Ikinagulat at ikinabahala naman ng mga pasahero ang nangyari at iminungkahi na buksan na lamang ang exit door ng eroplano.

Tumawag naman agad ang piloto sa mga otoridad at dumating ito makalipas ang 37 minuto. Agad na hinuli at dinala ang lalaki sa kustodiya ng Nigeria airport authority upang kwestyunin. Naantala pangsamantala ang flight ng nasabing eroplano na patungo sana sa Port Hartcourt dahil sa kailangang palabasin ang lahat ng pasahero at crew sa nasabing eroplano para na rin sa kapakanan at seguridad ng lahat.

 

View this post on Instagram

 

Guys this is an emmergency o. For 30 minutes we have been stuck at the runway at MMIA by an unidentified man who ran to the aircraft with a bag. Security has not showed up and everyone is panicking. I have so many questions to ask but right now I can’t even breathe. Pls share this to all relevant authorities. Dear Nigeria!!!!! Update: He has finally been apprehended and we’ve all disembarked from the flight. FAAN authorities showed up 23minutes into the scene but were scared to approach him. Security eventually shows up after 37mins. ______ How it happened!! So our flight was taxing on the runway and about taking off when this man shows up running towards the moving aircraft from the bush. The pilot and a few passengers spotted him running towards the aircraft and the pilot immediately slowed down and quickly put off the engine. The guy approaches the plane with gloves and starts walking around and under the aircraft holding a bag which he dropped inside the engine. Thanks to the Pilot of the Azman Airline for quickly observing and taking swift action.. I still have a million and one questions to ask cos anything could have gone wrong! Nigeria will work perfectly someday. This I know. ??????

A post shared by Amb. Otto Orondaam (@otto_orondaam) on






error: Content is protected !!