Siya pala ang napakagandang anak na babae ng Mayor ng Maynila na si Isko Moreno na si Frances Diane Domagoso!



Ang dating aktor at Manila City Mayor-elect na si Francisco “Isko” Moreno Domagoso ay umani ng maraming mga papuri sa mga netizen matapos niyang ipag-utos ang paglilinis ng napakaabala at napakakalat ng kapital ng Pilipinas sa unang mga araw pa lamang ng kaniyang pagkaka-upo bilang isang alkalde.



Si Mayor Isko ay nakilala na rin bilang public servant noon at dating bise-alkalde ng siyudad ng Maynila. Siya rin ang tumapos sa termino ng long-term mayor at dating Presidente ng Pilipinas na si Joseph “Erap” Ejercito Estrada.




Ang 44 na taong gulang na pulitiko ay mayroon ding isang masaya at malaking pamilya. Siya ay kasal sa kaniyang misis na si Diana Lynn Ditan sa loob ng 19 na taon na. Mayroon silang limang mga anak. Sina Vincent Patrick, Frances Diane, Joaquin Andre, Franco Dylan, at Drake Marcus.




Bagamat biyayaan sila ng maraming mga supling ay isa lamang sa mga ito ang kanilang anak na babae na magdiriwang ng kaniyang ika-19 na kaarawan sa darating na Agosto. Kung kaya naman mayroong mensahe ang mapagmahal at masipag na ama para sa mga kalalakihan na nagnanais manligaw sa kanilang unica hija.





Kamakailan lamang ay naging panauhin ang alkalde sa programa ng sikat na host na si Boy Abunda at nang tanungin nga ito kung ano ang nais niyang sabihin sa mga nagbabalak manligaw sa kaniyang anak ay agad itong nagbago ng hitsura at pabirong sinabi na “Mayor ang tatay ‘non ah!”

Makikita naman ang napakaraming larawan ni Frances sa kaniyang social media account na talagang labis na hinahangaan ng maraming mga netizen. Hindi maipagkakaila na namana ng dalaga ang kagwapuhan at kagandahan ng kaniyang ama at ina.



Sa mga anak ni Mayor Isko, ang kaniyang anak na si Joaquin Andre ang nagpapakita ng interes sa pag-arte. Kamakailan lamang ay naging parte siya ng “Ipaglaban Mo” kasama sina Ella Cruz, Ara Mina, at Epi Quizon sa episode na ginanap noong June 1.





error: Content is protected !!