Mayor Isko ipinag-utos na isang araw na lamang ang aabutin sa pagkuha ng business permit!



Ang bagong halal na alkalde ng Maynila na si Mayor Isko Moreno ay naging laman ng maraming mga pahayagan, balita sa radyo at telebisyon dahil sa kaniyang pagpapanukala ng mga pagbabago para sa kaayusan at ikauunlad ng kaniyang nasasakupan. Ito ay kaniyang isinasakatuparan buhat ng siya ay maupo bilang alkalde. Ngunit higit pa sa paglilinis ng siyudad ay pursigido din siyang maisaayos ang mga serbisyon sa kanilang city hall.



Isa na nga sa mga ito ay ang agarang pagbibigay solusyon niya sa napakahabang oras at araw na inaabot sa pagkuha lamang ng busines permit. Dahil kung dati ay mayroong labing-isa na mga hakbang sa iba’t-ibang bahagi o window ng nasabing departamento ipoproseso ito, naging tatlong hakbang na lamang ito at maaaring matapos sa iisang window na lamang!


Buong pagmamalaking ibinahagi ni Mayor Isko na ang dating napakahabang pagproseso ng mga business permit at ang napakatagal na paghihintay ay tapos na. Ito ay dahil sa pinirmahan niyang Executive Order No. 8 kung saan ang mga pinoprosesong business permit ay bumaba sa tatlong mga hakbang na lamang sa iisang window sa loob ng isang araw.


Minsan pa ay nailunsad na nga din ang “Business One-Stop Shop” o ang “BOSS” na isang fast track service na handog ng city hall para sa pagpoproseso ng mga business permit. Ang unang customer nga nito ay hindi lamang nakatapos sa loob ng isang araw kundi wala pang isang oras! Nakakabilib hindi ba?



Sa opisyal na Facebook page ng Bureau of Permits Manila, ibinahagi nila ang larawan ng pinaka-unang customer ng BOSS na si Ginoong Lee na nasa negosyo ng Retail Agricultural Products. Nagsimula siyang magproseso ng kaniyang mga kailangan para sa kaniyang business permit 10:57 ng umaga at nakatapos at nakakuha ng kaniyang business permit sa ganap na 11:45 lamang ng umaga. Tunay ngang napakalaking ginhawa nito para sa maraming mga Manileño.




error: Content is protected !!