Heaven Peralejo nagsalita patungkol sa usapin na pineperahan niya ang anak ni Senador Manny Pacquiao na si Jimuel!



Bilang isang parte ng industriya ng show business hindi nga maipagkakaila na maraming babatikos sa isang artista at maraming mga tao ang huhusga sa mga ito anuman ang kanilang gawin o maging desisyon sa buhay. Kagaya na lamang ng aktres na si Heaven Peralejo na minsan nang naging laman ng mga pahayagan at balita hindi lamang dahil sa husay nito sa pag-arte kung hindi sa pagkakaroon nito ng espesyal na relasyon sa panganay na anak ni Senador Manny Pacquiao.



Marami ding mga usapin ang ibinabato sa kaniya ngunit hindi ito naging dahilan upang manahimik na lamang siya dahil kamakailan lamang ay binasag na niya ang kaniyang katahimikan at sinagot ang ilan sa mga “intriguing assumptions” ng publiko. Ito ay itinampok niya sa kaniyang YouTube video kasama ang kaniyang ina at matalik na kaibigan.




Una na dito ay ang tanong ng isang netizen kung magkano na nga ba ang nakuha niyang pera sa panganay ni Senador Pacquiao. Pabiro pang nagbibilang ang dalaga ngunit kalaunan ay sumagot din ito ng: “Hindi ko alam kung saan nanggagaling ‘yung rumor and everything.




I mean, I don’t get money from him. I have work. Hindi ko naman siya tatay para kunan ng pera,” saad ng aktres. Sina Heaven at Jimuel ay nagkita at nagkakilala sa isang mall na nasundan pa ng muli nilang pagkikita makalipas ang dalawang taon na ayon nga sa ilan ay “made in heaven”.





Ngunit sa ngayon ay mayroong panibagong ispekulasyon na hiwalay na ang dalawa matapos ang halos sa pitong buwan nilang relasyon dahil sa pag-unfollow ng isa’t-isa sa sa social media. Napunta sa paksa ng pagiging isang gold digger ang at matapang niya itong sinagot at sinabing;

“Di ko alam kung saan niya nakuha ‘yung assumption na ‘yun [pagiging gold digger]. Maybe because sa ex ko — ay,” tinigil niya ang pagsasalita bago pa makapagbanggit ng pangalan.




error: Content is protected !!